Ads 468x60px

12/12/2010

Looking for Apartment: Makati/Mandaluyong Area (1BR/Studio Type with T/B)

I'm looking for an apartment for rent around Makati or Mandaluyong with easy access to Makati Ave, Ayala, and Edsa. If it's Makati area, preferably near JP Rizal, Kalayaan, Makati Ave, Buendia, and/or Ayala. If it's near Mandaluyong, preferably near Hulo, Barangka, Boni, Edsa.

Doesn't need to be big. As long as there's room for 1 bed and as long as there is toilet and bath. Budget range is from 4K-6K, might take upto 7K. At least decent enough to live in. Away from flood zone. With or without utilities is fine. Don't want any contract or preferably less than 3 months contract if any.

My work place is at N. Garcia Makati near Jupiter St. so preferably near that place.

Reply to this blog or e-mail me.
Read more >>

12/04/2010

Ang Repolyo at ang Uod, Vow!

"eeeeeehhhhhhh!!!!!!!!~ May bulate!!!", reklamo ng nanay ko sa kaharap nitong repolyo. Kung nakakapag salita lamang ang gulay ay sinabi na nitong, "sorry naman..."


Oo na Nay! ikaw na! ikaw na ang magaling mag-gulay ng repolyo! "Dapat kasi talaga dito sa reployo hinihimay ng mabuti ang bawat dahon, hindi pwedeng hiwain kasi baka nga may madamay na bulate sa paghiwa mo." Bulate 101 mula kay Inay. Gusto kong sabihin na ulam ang hinihingi ko, hindi repolyong dinapuan ng kung ano. Agad nitong ininit ang kagabing ulam. Magluluto pa raw kasi siya kaya yung ininit na lang na ulam ang kainin ko. OK fine! May magagawa ba ko? Gutom na ko eh. Heto nga't kumakain na ko habang nagsusulat. May pasok na kasi ako ulit mamayang gabi. Isang araw lang ang off ko. Nakakapraning na 'tong trabahong to. Kahit nanay ko nababaliw na sa schedule ko. Akala nya kasi ay sa Linggo pa pasok ko. Samahan mo pa ng karimarimarim na uod kanyang gugulayin.

Pero sa loob-loob ko, mabuti na rin lang at malinaw ang kanyang mga mata pagdating paghihimay ng pagkain. Pareho kasi kaming maselan pagdating sa kinakain. Mabuti naming sinusuri ang bawat sangkap upang alamin kung anong alien ang naninirahan dito. Kapag nasigurado na ngang wala nang impostor sa naturang pagkain ay maigi namang huhugasan ang paglalagyan ng mga pagkain at paglulutuan nito. Siguro kung nagtatrabaho ako sa restaurant bilang tagahugas ng mga pinggan ay agad akong masesesante dahil sa kupad kong mag hugas ng mga plato at baso. Sinisigurado ko kasing walang naiwang bakas ng nakaraan sa mga hinuhugasan ko. Kapag naghuhugas ako ng pinagkainan ay talo ko pa ang naglalaba. Mauubos ko ang laman ng tangke ng tubig sa buong subdivision bago pa ako matapos. Kung pwede lang purified at sterilized ang tubig na gamitin kong panghugas ay gagamitin ko.

Minsan na nga akong sinita ng kapatid at pinsan ko dahilan ng inabot na ako ng isang oras sa paghuhugas ng pinagkainan naming tatlo. Take note: tatlong plato, kutsara't tinidor, at mga baso. Hindi ko rin lubos maisip na isang oras na pala ang lumipas at nagbabanlaw pa rin ako. "Kung natatagalan kayo, kayo mag hugas di yung utos kayo ng utos!", yan ang reply ko nung nainis ako sa comment nilang makupad daw akong maghugas ng pinggan. Sa bagay, may katotohanan naman yung sinabi nila. Kaya lang nakakaasar na utos ng utos tapos ang daming reklamo. Isa pa naman sa mga prinsipyo ko yung, "If you want something done, do it yourself." Di ko lubos maalala pero parang sa telenobela ko ata nakuha tong linya na to. Sa pagkakaalam ko ay si Princess Punzalan ata ang nagbitaw ng mga katagang iyan sa isang telenobela na pinapanuod ng nanay ko nung High School pa ko. Tumatak yan sa utak ko kasi ganyan na ganyan talaga ang prinsipyo ko. Di ako mahilig mag utos pag alam kong tatanga-tanga ang pag-uutusan ko. Ilang beses na rin kasi akong ginawang utusan ng panganay kong kapatid nung bata pa ko (actually hanggang ngayon din naman eh, medyo nabawasan na nga lang). Sa pagdalas ng utos nya ay pagdalas din ng pagkakamali ko. Kung mag utos naman kasi sila akala mo alam na ng limang-taong gulang na bata ang lahat ng bagay sa mundo. Tapos magagalit kapag mali ang ginawa kesa sa iniutos na gawin. Eh yun yung pagkakaunawa ng tao eh, anong magagawa mo? Kaya dapat, kung ayaw mo ng mali dahil perfectionist ka, ikaw ang gumawa! Kaya hindi ako pwedeng maging Supervisor, Manager, Presidente ng Pilipinas. Ang tendency kasi ako ang gagawa ng lahat ng gusto ko dahil may mga bagay na sadyang mahirap ipaunawa sa ibang tao. Pero madalas ay may mga tao din naman na sobrang husay. Hindi man talino ang tawag dun kundi "husay" talaga. Kaya nyang gawin at alam nyang gawin ang mga gusto mong mangyari. Pag ganon ang mga tauhan ko, payag na ko maging leader.

Kamusta na kaya ang uod ngayon? Nasaang lupalop na kaya siya? Parang ayoko na lang isipin dahil baka bigla nya kong dalawin mamaya sa pagtulog ko. Magising na lang ako bigla na hinahabol ako ng isang repolyo at ng mga kampon nyang bulate. ewwww~
Read more >>

11/28/2010

Google Translate - I take back what I said

I guess, for this translation to work itself out, the writer must use the correct Filipino tense, exact grammar and spelling, and also the terms to be used should be exactly as how the writer would want to convey it to the readers.
I take back what I just said on this blog about google translate. I tried it again with a few strip of words, full sentences in a paragraph written in Filipino, but when I tried to use google translate to English, it again failed me. Or maybe I really just don't know how to make a perfect writing in Filipino.
Read more >>

The Survey

Nakalap ko ang isang survey sa FaceBook. Naglalaman ito ng walang kakwenta-kwentang  mga katanungan tungkol sa iyong napupusuang babae o lalake. Isa itong tag-post at ako ay nabiktima nito. Wala talaga akong panahon mag sayang ng oras sa mga ganito subalit dahil galing ito sa aking mga malalapit na kaibigan ay nakakahiyang tumanggi. Kung kaya't sinubukan ko na ring sagutan ng mga walang kabuhay-buhay na sagot ang mga walang kabuhay-buhay na tanong.
Now, here's what you're supposed to do, and please do not spoil the fun. Copy and paste this into your notes, delete my answers, type in your answers and tag 20 of your friends here in facebook to answer this. Then see what happens..

If you're a guy - post this as "my kind of girl"If you're a girl - post this as "my kind of boy"

1. Do you need him/her to be good looking?
kahit gusgusin pa yan pasado saken, basta't pag pinaliguan at nabihisan ng maayos ay maayos na rin, pero kung ganon pa rin, wag na!

2. Smart?
basta marunong mag-isip at marunong umunawa

3. Preferred age?
probably upto (+/-) 3 yrs of my age

4. Preferred height?
ang lahat ng tao ay magkakaheight (uhmmm *smug*)

5. How about sense of humor?
gusto ko yung kaya akong pahalakhakin sa sobrang korni ng bawat joke na binibitawan nya (ganon kasi ako LOL)

6. How about piercings?
kung may babae mang walang pierce sige pwede na rin yun (pero kung extra pierce *yoko ng maborloloy sa katawan, hilahin ko yun eh* sakit yun!)

7. Accepts you for who you are?
haha dito tayo mahihirapan XD lol <--- tammmuuuhhh <--- pagnakahanap kayo nyan pwede na kayong mamatay

8. Pink hair?
basta ba wig lang eh

9. Mushy or no?
hindi ako mushy so kelangan ko ng mushy, wag lang mushroom

10. Thin or fat?
kahit payat, ako magpapataba sa kanya (hmmm *smug*)

 11. Black, Brown or White (skin color)?
white is hot, brown is hotter, black is toasted

12. Long hair or short hair?
para saken? long hair talaga trip ko, di ko rin alam kung baket... basta magaling magdala ng long hair patay na patay ako.. pero kung mga tipong commercial ni kim tiu, pwede na syang mamatay

13. Plastic or metal??
kung ang ibig sabihin ng plastic ay vulnerable, ok rin para may poprotektahan ako.. kung ibig sabihin ng metal ay di madaling patumbahin, wow challenging

14. Smells good?
basta walang putok, baktol at lahat ng nakakasulasok na amoy

15. Smoker?
nag smoke ako eh, so may option ba ko? meron! mas maganda hinde para may inspirasyon ako

16. Drinker?
walang masama sa social drinker but yung every week nakikipaginuman.. or nag-bbloat na katawan dahil sa alak.. or sobrang saya kasi may alak sa isang party.. turn off... as what i've said earlier.. ayaw ko sa taong may bisyo. <--- agree na lang ako sa kanila

17. Girl/Boy-next-door type?
matagal ko nang pangarap yan elementary pa lang, di lang ako palalabas ng bahay.

18. Muscular?
kung mas malaki pa muscles saken, di na

19. Plays piano? 
ba astig yun! pretty points!

20. Plays bass and/or acoustic guitar?
pretty points ulet

21. Plays violin?
kung kasing galing ni vanessa mae, sige payag ako

22. Sings very good?
eto talaga pangarap ko sa buhay... dahil dito ako unang naiinlab, pero may mga taong kahit di naman good singer ay nakakahulog ng loob

23. Vain?
basta di annoying ung pagkavain XD <-- tammmuuuhhh!!! XD <--- sige agree na rin ako

24. With glasses?
sometimes, with glasses is hot

25. With braces?
no... paano hahalikan yun?? XD <--- tama, masakit yun

26. Shy type?
gusto ko yung mahiyain sa lugar, balahura sa lugar, basta lumulugar, in-short marunong makisama at makiramdam (alam ang ginagawa)

27. Rebel or good boy/girl?
good girl, dahil isa akong rebelde

28. Active or passive?
active <--same <--approve

29. Tight or bomb??
di ko gets @_@ <-- ewan ko ba sa gumawa ng mga tanong.. 0_o; <-- tight? (hmmm *smug*)

30. Singer or dancer?
sing and dance para parteh parteh~

31. Stunner?
gusto ko yung mga one time stunner, ayaw ko ng araw araw kang wina wow. ang korni eh

32. Hiphop? 
ewww... pag metal ka baka sambahin pa kita, kahit ano wag lang hiphop

33. Earrings? 
i find guys with one earring hot XD... well.. again, depende sa nagdadala.. may mga ibang tambay na guys sa pinas na may hikaw pero d carry (sila yung mga tipong may kulay pa na blonde ang hair) <---( hot ba ko kat? joke haha... ) may babae bang walang earrings? gusto ko makakita

34. Mr/Ms. count-my-ex-girl/boyfriends-until-you-drop?
yoko ng sobrang dami XD <--- tammmuuuhhh!!! ang taong sobrang dami ng naka-relasyon reflects how that person handles a relationship! <--- agree pero parang masaya kung ako yung first... parang lang

35. Dimples?
dati parang ang cute, naisip ko cute lang pala ang dimple pag ako ang meron nun... di sya hot tingnan sa babae. yoko ng mukhang nene

36. Bookworm?
yes please <-- same... good thing Ivan likes to read a lot! <-basta me silbi yung binabasa, ok din kasi di ako bookworm so it complements my spacious world

37. Mr/Ms. love letter?
hahahahaha uso pa ba yan? XD <-- oi ha!!! masmaganda pa rin yung sulat! <--- pagnakatanggap ako nito parang ang lambing, di nga lang ako marunong mag reply. pero astig yan

38. Playful?
gusto ko yung tipong dora, "the explorer"

39. Flirt?
hahahahaha XD ayaw :P <--- plangak! <--- agree to both of you LOL, ok lang flirt basta sakin lang lolx (pag meron na, meron na!)

40. Poem writer?
ok yung mga ganto, mahilig rin ako gumawa ng poems in high school

41. make a question?
HOY KAREEN! BAT MO KO TINAG?! <--- HOY JOBY!!!! BAT MO KO TINAG?? <--- mga timang anong kalokohan to??

42. Campus crush?
eeeeeeehhhhh (landi?) hahaha

43. Painter?
pag naipaint nya ko wearing this..., wearing only this.... sige go

44. Religious?
religious ako eh (weh?) oo sabi ko sa sarili ko yan, kaya mahalagang naniniwala sa akin ang aking partner... lol yun na lang eh

45. Someone who likes to tease people?
pang-asar ako eh, so gusto ko yung pagsasabihan ako na "ang bad bad mo" (landi) pero pagkatapos nun sabay tanong ng "bakit kaya sha ganon?" <---laitera din pala

46. Computer games geek? Or internet freak?
gamer ako eh... pero madalas pinag aawayan yan ng magkarelasyon, tanong mo pa sa kuya ko, joke!

47. Speaks 20 languages?
basata kaya nya intindihin sinasabi ko sa kanya pasado yun,  yoko ng paulit ulit eh... kung taga Zimbabwe sya at naintindihan nya sinasabi ko baket hindi

48. Loyal or faithful?
may diff ba yan? XD yes to both XD <--- pang-aso daw kasi yung loyal XD <--- loyal is loyal lang sha sayo, faithful is aside from being loyal to you, may tiwala rin sya sayo... tama ba? hahaha so faithful

49. Good kisser?
gusto ko yung tuturuan ako ng iba't ibang klaseng kiss na di ko alam... hmmm i wonder hahaha

50. Loves children?
yes please~ :D <-- :P <--- sige sige, di ako mahilig sa bata eh. importanteng importante to

this is so old school XD pero sige i'll play along XD hahaha <--- onga... pfffttt... na-tag tuloy ako XD <--- ok lang, para kay kat at jobylicious
Read more >>

11/24/2010

One Year

I didn't even realized that it had already been one year last Monday, November 22, 2010. This is the day it all fell apart. I was so busy with work I can't think of anything anymore except for earning my way back to school.
"It's been a year", when the clock strikes 10.
This was her text message that night when I left her after getting the things that I needed from her (catalogue/magazines for our business). I waived goodbye without even realizing that that important date has a big impact to her. I felt so insensitive as I waited for a bus to ride back home.

A simple talk would do, or I should have just let the day pass without coming to her. I really feel sad 'cause I know she'll feel 10x more than how I feel about how sad she is. It was another speechless day for me; not knowing what to say or what to think...
Read more >>

Google Translate

Sinubukan ko gamitin yung Google Translate sa blog ko. Tawa ako ng tawa kasi parang pinaghalong Kris Aquino at Melanie Marquez yung translation.

I tried the Google Translate on my own blog. I just thought of how my blog will appear if I translate it in English using Google translate. I just thought of my English-speaking readers (as if). How will they understand my nonsense ideas if my blog is in Filipino. So I tried the translate button on one of my Tagalog blogs and here is the result:
I've tried all styles of coffee flavoring but really I bet I can buy 3-in-1 or so eh yung ready made coffee for me to enjoy. So I often hang of coffee shops eh. Because I fond of coffee but I know lintek to blend in accordance with the wish of the tongue. Only once have I commend the blend of coffee, when I thought of coffee blend aunt of ex-girlfriend when I was his mother's funeral Maricel Soriano. I'm really nervous todo nun. I thought maybe more I do not accept the family when they do wrong coffee blend. Pouring it, pouring there, this blend, blend there. Tantsa-tantsa only. No exact dimensions.Neither-I do not know if sweet, fatty, salty, and what-what more can taste the flavor combined to make the mixture. When it comes to the table I was lucky, shame I reached the coffee mixture. They all looked as if sinisibat saken me with their eyes. I also dodged a lot of weight so I'm not injured. (The moment of truth that is!) Tita tasted that the mysterious mixture of coffee that I have no aaalinlangan. SssSSuppp ...I will hear will hear that she made the first sip of my masterpiece.

"OK ... Can you? All right ..." These are the words which he dropped. Smiles I do not know smile excited, nervous, scared, nagigimbal, or any emotion that creeps into my mind. "Nagjojoke ba to?", Within just converted. I want to vomit that those beans tinitimpla I wrote that, then passed him. Halleluja!

First Chapter
... continuation of the Second
Amazing how it can translate most texts especially those words that are deep in Filipino language. "Not bad", I told myself. It's really not a perfect translation from the original context but most texts are understandable. It's just that most of them really sound funny and disturbing. I laughed my ass out when I came to this part: "OK ... Can you? All right ..."The original text is "OK... Pwede na! Tama lang..." which means it's good enough, it's alright. I laughed so hard thinking where the translation "Can you?" came from. It even changed the punctuation from exclamation to a question mark. LOL

The best translation so far in this quote is the First Chapter, continuation of the second. I guess, for this translation to work itself out, the writer must use the correct Filipino tense, exact grammar and spelling, and also the terms to be used should be exactly as how the writer would want to convey it to the readers. For that reason, it won't really work with me. Because I still want to convey my message according to how I wrote it.

But I tried this translation before on other non-english websites but it works fine, much better. Maybe because it's a corporate site and all terms and words used to create the basic grammar is just exactly how Google Translate understands it.
Read more >>

Unang Kabanata: The Bus Experience

Usapang YM
Sinubukan ko na ang lahat ng estilo ng pagtitimpla ng kape pero talagang kelangan ko bumili ng 3-in-1 o kaya eh yung ready made na na kape para mag enjoy ako. Kaya madalas akong tambay ng mga coffee shops eh. Mahilig kasi ako sa kape pero lintek di ako marunong mag timpla ng naaayon sa gusto ng dila ko. Isang beses lang may pumuri ng timpla ko ng kape, nung pinag timpla ako ng kape ng tita ng ex-girlfriend ko nung burol ng nanay ni Maricel Soriano. Talagang kinabahan ako ng todo nun. Naisip ko baka lalo akong hindi tanggapin ng pamilya nila kapag mali ang timpla ko ng kape. Buhos dito, buhos dun, timpla dito, timpla dun. Tantsa-tantsa lang. Walang eksaktong sukat. Ni-hindi ko alam kung matamis, matabang, maalat, at kung ano-ano pang lasa ang maaaring malasahan sa pinag-gagawa kong timpla. Pag dating sa lamesa ay hiyang-hiya kong inabot ang tinimpla kong kape. Nakatingin silang lahat saken na para bang sinisibat ako ng kanilang mga mata. Nakailag naman ako ng husto kaya hindi ako nasugatan. (The moment of truth na!) Tinikman na ni Tita ang mahiwagang kape na aking tinimpla ng walang pag-aaalinlangan. SssSSuppp... Rinig na rinig ko ng ginawa nya ang first sip sa aking masterpiece.

"OK... Pwede na! Tama lang..." Ito ang mga salitang kanyang binitawan. Nakangiti ako ng hindi mo alam kung ngiting natutuwa, kinakabahan, natatakot, nagigimbal, o kung ano mang damdamin ang bumabalot sa aking isipan. "Nagjojoke ba to?", sa loob-loob ko lang. Ako nga gusto kong isuka yung mga kapeng tinitimpla ko eh, tapos pasado sa kanya. Halleluja!

Unang Kabanata
... continuation ng Ikalawa

Matapos kong makuha ang mga gamit na iniabot sa akin ng aking ex ay nagpaalam na ako dahil kinailangan ko nang magmadali upang makauwi ako kaagad dahil siguradong mahirap sumakay ng bus. Mahigit 30 minutes akong naglakbay mula eskwelahan hanggang EDSA. Of course, dumaan pa rin ang jeep na sinasakyan ko sa binahang Boni Ave. Kulang na lang ay sagwan at mukha na kaming rescue team nung panahon ng Ondoy.

Paglapag ng EDSA ay binuksan ko na ang payong kong punong puno ng aking pirma at pangalan. Minsan na kasi akong ninakawan ng payong. Payong na nga lang, ninanakaw pa. Mahangin at maulan pa rin. Patuloy pa rin sa pagsinghot sa tumutulong sipon ang aking ilong. Naglakad ako hanggang sa eksaktong bus stop para mas mainam na makasakay. Makaraan ang isang oras ay tatlong bus na papuntang Dasmariñas ang nakalampas. Nag-isip ako kung bakit. Sinubukan kong maglakad bandang unahan para hindi ako mapag-iwanan. Mas marami palang nag-aabang dun. Napansin kong puro babae lang ang kanilang dinadampot. Para silang mga alien na nag aabduct ng bawat dalagang kanilang masisilayan. Parang bangbus tuloy ang dating. Nang masulyapan ko ang puting bus na aking iniintay ay nagmadali ako, hinintuan nito ang isang babaeng nasa edad 30 na pataas. Dali-dali akong sumunod dito at sinamantala kong bukas ang pinto ng bus kaya't nakatalon pa ako papasok. Yes! makakauwi na rin sa wakas.

Punuan talaga!
Siksikan at wala nang mapwestuhan pero sige pa rin. Tayuan na at kung saan-saan na nakasiksik ang mga pasahero. "Saan?", sabi ng konduktor na mukhang dismayadong may nakalusot na lalake sa kanilang mahigpit na pagpapasakay. Binanggit ko ang destinasyon at inabutan ako ng ticket sabay sabi ng "Magkano?". P58.00 daw ang pamasahe ko. Hindi ko alam kung nagkamali ako ng dinig pero nag-abot na lang ako ng eksaktong P70.00. Wala na kasi akong panahon pang tingnan at bulatlatin yung ticket dahil sa sobrang sikip at sa halimuyak na nagmumula sa katawan ng konduktor na animoy may patay na kung ano. Inabutan nya ako ng sukli at napansin kong dalawampiso lang ang kanyang binigay. Sabi ko, "Boss, yung sampu?" Ibinigay nya naman ng walang pag-aalinlangan. Habang binubunot nya ang sampu ay bakas sa pagmumukha nyang isa itong joketime. Bagamat siksikan ay binulatlat ko na rin ang binigay na ticket sa akin. Susmaryanogarapon! P48.00 lang dapat ang babayaran ko. Ang kapal ng pagmumukha ng hayop! Di na lang ako nagcomment dahil baka bigla nya akong pababain. Mahirap pa namang sumakay sa gitna ng ulan.

May mga gustong sumakay ng bus na aking sinasakyan. Para silang mga batang late at nagmamakaawang sumakay ng school bus. Pilit nilang hinahabol ang aming sinasakyan. Onting-onti na lang at lulubog na, kung barko ang aming sinasakyan. Puno hanggang sa may windshield ng bus. "Wag yan, babae lang!", sabi ng walangyang konduktor. May nadaanan silang babae at kanilang binuksan ang pinto, at nakasakay naman agad ang dalaga. May mga nakasunod nga lang na mga maton na mukhang alam na rin ang estilo ng pagsakay, gaya lang ng aking ginawa.

Punong-puno na talaga at wala nang masiksikan pa. Kahit ang mga bababa ay hindi magkamayaw kung paano sila dadaan sa makipot na sasakyan dahil sa mga nakaharang na tao sa daanan, (at isa na ako dun). Bangga dito, bangga dun. Parang bangbus na talaga ang sitwasyon. Tuwing may bababa ng EDSA ay di ko mapigilang mainis dahil "DASMA" ang signboard ng bus at hindi EDSA! Tanggap ko pa kung parteng CAVITE na sila bumaba.

Sabi ko sa sarili, konting tiis na lang dahil paglampas ng expressway ay mangangalahati na ang sakay. 30 minutes na ang lumipas ay nasa EDSA pa rin kami at talagang masakit na ang talampakan, paa, braso, hita, balakang, lahat na ata ng kasukasuan ko ay masakit. Pakiramdam ko tuloy eh tatrangkasuhin ako. Pagdating ng expressway ay smooth na ang byahe. Dapat lang, expressway yun eh.

Paglampas ng expressway ay inaasahan kong marami ang bababa. Marami ngang bumaba, kung kaya't para akong lantang gulay kung yasakin ng mga dumadaan pababa ng bus. Nasa may bandang unahan kasi ako kaya salang-sala ko lahat ng bumababa. Marami nga ang bumaba subalit marami pa rin ang natira, at parang wala namang nagbago sa itsura ng bus. Hindi ko tuloy mapagtanto kung san nanggaling yung mga bumaba dahil mukha namang walang nabawas.

At syempre hinding-hindi ko malilimutan ang maligalig na batang kalong-kalong ng kanyang ina na nakaupo sa likod ng upuang sinasandalan ko. Pilit nitong tinatadyakan ang pwet at likod ko. Nakakairita pero wala akong magawa dahil kahit papaano eh may awa pa rin naman ako. Iritang-irita ako dun sa bata lalo na nung nagsimula na tong magpamalas ng malatiyanak nitong iyak. Hays! ayoko talaga ng bata lalo na kung ganon. Naiimagine ko na yung sarili kong pasimpleng dinudukot yung mga mata ng bata habang hindi nakatingin ang ina nito. Gustong-gusto ko sana itong ihagis papalabas ng bintana, kaya lang ay isang higanteng breakable glass ito at hindi yung tipong naaangat para buksan. Pero gayunpaman ay gusto kong subukang ipambasag ng breakable glass yung bumbunan nung bata para malaman kung breakable nga ba ito (yung bumbunan nung bata).

Paglampas ng Bacoor ay inakala kong makakaupo na ako dahil kadalasan ay ganun naman ang sitwasyon. Nanlaki yung mga mata ko nung nakita kong wala paring pinagbago ang bilang ng mga taong nakatayo bagamat sangkatutak na ang mga bumaba. Napaisip tuloy ako kung meron bang pinto yung kusina ng bus at para bang habang may bumababa ay may sumasakay mula sa likod. Naisip ko pang magbaligtad ng T-shirt sa akalang baka namaligno lang ako, pero nakakahiyang gawin yun kaya di ko na ginawa. Pagdating ng Imus ay nakatayo pa rin ako. Pero nakita ko naman na nabawasan na ang bilang ng mga taong nakatayo. Yun nga lang, sinisipa pa rin ako ng maligalig na bata sa aking likuran. Nang medyo makaluwag-luwag pa ay bahagya na akong umatras sa may likuran ng bus para makaiwas sa maligalig na nilalang. Unti-unti akong kinukubabangan ng demonyo at sinasabing, "Try mo kayang tadyakan yung bata, walang bawal-bawal. Sarap kaya, try mo!" Parang commercial lang ng kape. Pero may ulirat pa naman ako kahit masakit na yung ulo ko dahil sa patuloy na pagdaloy ng sipon sa aking palasipunan.

Sa wakas ay pumasok na sa teritoryo ng Dasmariñas. Nakaupo na rin sa wakas! Kahit onting panahon na lang ang nalalabi para aking mapagsamantalahan ang mga upuang nabakante ay agad akong namili kung saan magandang magpahinga. Bandang likod ang may pinakamaraming bakante kaya dun ako napadpad. Kahit papano ay medyo nakaidlip pa ko.

At sa wakas ay Robinson's Pala-pala na. Anong petsa na pagtingin ko sa aking relo. Parang isang siglo na ang lumipas. "Trece!", sigaw ng manyakol na konduktor. "Whatever?!~", ang sabi ko sa aking sarili. At bumaba na nga ako. Magtetext na dapat ako sa aking ama para magpasundo pero dead-batt na pala ako. Ang saya-saya talaga ng araw na yun. Eh ano pa nga ba kundi nag jeep na lang ako pauwi. Pagbaba ko ng jeep ay agad akong sumakay ng tri-cycle. Pagpasok ko sa loob ay inukupa ko ang buong sasakyan. Tumingin ang driver at nagtanong, "Saan boss?"... "Ah, de Vera!", kako. Tumingin sya sa akin na parang tanga lang. Natural na sakin yun tuwing sasakay akong tri-cycle. P21.00 kasi ang special na sakay, pero hindi ka naman talaga ituturing na espesyal. Masosolo mo lang yung trip. So kahit mag yosi ka dun, uminom ng isang kahong beer, sumayaw, magdrugs ay walang pakialam sayo ang driver dahil special trip nga ito. At ang palagi kong naririnig na sinasabi nilang, "mayaman eh...", kapag special trip. Sa loob-loob ko ay, "di naman, may pambayad lang."

Pagdating ko ng bahay ay sinalubong ako ng aking mahal na ina at siya'y nagtanong, "Oh? bakit ka ba umuwe?" Di na ako sumagot dahil kakatext ko lang nung umaga at sinabi kong uuwi ako dahil biglang nagbago ng day-off sa trabaho ko at yun eh yung araw na yun. Nakakabwisit lang isipin na nagtatanong pa siya dahil nag reply pa nga sya sa text na yun at sinabing mag text ako para masundo. Pag-akyat ko ng kwarto ay natutulog ang aking ama. Ang tanong nya naman ay, "Bakit di ka nagtext?" Medyo mas sensible yung tanong nya dahil di naman nya alam na patay na yung telepono ko kaya ang sagot ko lang ay, "lobat ho."
Read more >>

Sony Bravia BX3 32"

 They just called me to come home because they were waiting for my SMAC. I wondered why. They told me they were going to buy a TV at the SM mall of Dasmariñas. Then I thought, "Wow! Something awesome is going to happen!"

We just bought a Sony Bravia BX3 32" LCD TV a few days ago. Didn't really like it since it was only 1080i. It's an HD-ready flat-screen TV but I was aiming for the Samsung full-HD. It was pretty evident even at the store itself when they were doing a preview of how picture quality was. Samsung definitely has better picture quality, aside from it's a 1080p 32" LCD TV.


Why 32" in the first place? Well, to start with, that's the only TV-width that will fit our TV rack. There're no other place in the house were we can hang it and we'd get a better view while watching so we just decided to put it on the old TV rack that we have. It fits exactly onto the rack. We can't even press the side buttons of the TV anymore. Good thing there's a remote, but it's not UHF so if something blocks the IR, it doesn't work.

I was so concerned about the picture quality. They didn't listen to me. It was their money anyway so I said, "OK! It's still a Sony so I think it's alright." It should be alright. When we got home they set it up. They tried it with the baron antenna first and I thought how can they expect that TV to render good quality picture with that? It still depends on the input.

Next, they tried to watch a film. It wasn't original but it seems OK, though you can see it's still pixelated, just like what I told them. Unlike when they did the demo with Samsung, even if it wasn't an original film, it has better picture quality. And now my father seems to be a bit disappointed. Oh well, I don't want to give anymore comments.
Read more >>

11/23/2010

Ikalawa: The Taxi Experience

Malakas ang buhos ng ulan. Hindi ko makita ang kabilang building sa may Ayala sa sobrang kapal ng buhos ng ulan. Sa bawat patak nito eh alam mo na agad na baha na sa Mandaluyong... Ano pa nga ba't stranded ako kasama ang ibang mga katrabaho sa may smoking area sa labas lang ng pantry. Wala kaming balak tumambay pero wala rin naman kaming magawa kasi nga pag sumugod kame sa ulan eh baka bigla kaming bumuo ng banda at sabay kanta ng "heto ako ohhhh, basang-basa sa ulan!"

Ayoko sanang mag yosi dahil sinisipon ako, masama ang pakiramdam, at mukhang lalagnatin. Pero dahil B.I. sila (kahit di naman sila nag aalok) ay sinisi ko sila at sinabing sila ang dahilan kung bakit ako napipilitang mag yosi. Masakit man sa lalamunan ay hala sige pa rin at nakadalawang stick bago humina ang ulan. Nang medyo humina na ito ay sabay-sabay na kaming lumabas para samantalahin ang pagkakataong panandaliang pagtila ng ulan.

Naglakad kami mula opisina hanggang sa may Buendia, katapat ng Mapua University. Doon kami nag-abang ng taxi na masasakyan. Nung una eh naisip pa naming mag jeep, kaya lang (as useless) taxi na lang. Mahirap din naman kasi sumakay ng jeep dahil kasabay ng buhos ng ulan ay ang buhos ng taong nakikipagpatayan makauwi lang. Sa kabila nito ay itinuloy namin ang pag-aabang ng taxi. Nagpalipat-lipat pa kami ng pwesto. Para kaming mga probinsyanong nagkakagulo kung saan ang tamang direksyon papuntang Wowowee. Ganun kami kaingay. Akala mo may nag-aamok ng away.

Kung saan-saan na kami nakarating ay wala pa ring gustong magsakay sa amin. Siguro ay dahil sa lima kami at overloading yun pag nahuli ng pulis. Pagkaraan ng ilang dekada ay may nahabag din na mamang driver. sa may Jupiter St. pa kame nakasakay. Dahil wala na akong pera ay sila na lamang ang nagbayad ng pamasahe. Bumaba rin ako sa may Makati Ave dahil papuntang Mandaluyong ang aking direksyon, habang sila ay papauwi na sa kani-kanilang mga bahay.

Pagbaba ng Makati Ave. ay nag simula na akong maglakad sa gitna ng malumanay na buhos ng ulan. Damang-dama ko ang hampas ng salunga ng tubig at hangin sa aking face. Oo! sa aking face! At dahil dito ay lalo akong sinipon. Patuloy na tumutulo ang aking sipon at para akong isang uhuging bata na nawawala sa gitna ng Maynila. Mabuti na lang at malabnaw ang tulo ng aking sipon at hindi halata sapagkat panay tubig ulan na rin ang aking mukha.

Una kong hinanap ang 7-11 dahil kinailangan kong mag-charge ng cellphone para ma-contact ko ang kakatagpuin ko nang mga panahong iyon. Lubhang nakakahiya na sapagkat mahigit dalawang oras na akong late sa itinakdang pagkikita. Nakapag charge naman ako ng matiwasay. Limang-piso ang bayad sa sampung minuto ng pagkakarga ng baterya. Hindi na masama. Tumagal naman ito ng mahigit tatlong oras. Matapos mag-charge ay nilisan ko na ang nasabing 7-11 store. Nakaligtaan ko pang damputin ang nilapag kong payong sa umbrella rack. Binalikan ko na lamang ito dahil napansin kong hindi lang mukha ang dinadampian ng malamig na tubig ulan sa pagkakataong iyon kundi pati bumbunan ko ay parang binabarena ng bawat patak ng tubig mula sa itaas.

Sunod kong hinanap ay ATM para makapag withdraw ako ng cash dahil nga wala na akong sapat na money. Oo! sapat na money! Matapos ang mahabang paglalakbay ay nakatagpo rin ako ng sinasabing machine. Dali-dali akong nagwithdraw kahit na hindi iyon ang aking bangko. Nag labas ako ng liman-daang piso. Oo 500 Pesos! pagkakuha ko ay dali-dali akong lumisan upang humagilap ng taxi dahil ako ay late na late na. Traffic, basa, at walang masakyan; yan ang mga description nung mga oras na yun. Naglakbay ako hanggang tulay at tinawid ko ito. Malakas ang hangin at muntik na akong tangayin papuntang ilog. Pagkababa ko ng tulay ay may nakapilang jeep na bagamat puno na ay mukhang wala pang balak umalis. Kaya't naisipan ko na lang na ituloy ang balak ng pagtataxi. Lumipat pa ako sa may bandang unahan upang mag-abang ng masasakyan. Puno, may sakay, at mga driver na halatang walang balak pumunta ng Mandaluyong ang aking nasubaybayan. Sa loob-loob ko, "pa'no ba to?" Hindi ko na sinagot ang aking tanong dahil sa wakas ay may napara akong taxi.

"Saan kayo?"

Ako at si Manong Driver
Lumingon ako sa paligid dahil mag-isa lang naman ako. Sinabi ko na lang na sa Kalentong ang aking destinasyon. At agad nyang nasabi, "Nakow!!! Kalintowng!!" Gusto ko sanang matawa kaya lang ay baka sumabog ang sipon ko sa windshield ng taxi nya. Hinawakan ko na lang ang panyo ko sabay singa. Nagsasalita pa siyang mag-isa at sinasabing traffic daw dun pero tuloy-tuloy lang naman siyang magdrive kaya di ko na lang pinansin kung ano man ang problema nya.

Ang daming kwento ni manong. May pasahero daw siyang di alam kung saan pupunta. Inaway pa daw siya ng amo ng sakay nya dahil sa sobrang tagal nilang dumating sa lokasyon (siguro ay dahil nga sa hindi alam ng pasahero kung san ito tutungo). Gusto ko sanang mainis, kaya lang baka bigla nya kong ibaba pag di ako nakinig sa kanyang mga hinaing. Pumasok pa siya sa isang gasoline station. Tumingin ako sa panel nya pero puno pa naman ang tangke ng gasolina. Yun pala, yung tangke nya ay puno na rin kaya dali-dali siyang bumaba at pumasok sa kubeta. Sabi nya, "sandali lang bossing". Sige na lang kako. Di ko na magawang magreklamo pa dahil wala na kong panahon maghagilap pa ng ibang taxi.

Kahit sang direksyon ka lumiko at pumasok ay sadyang traffic. Lalo na nung pumasok na kami ng Mandaluyong Circle. Akala mo ay namamangka ka sa may tabing isla dahil lubog na naman ang buong paligid ng City Hall. Umaalon hanggang sa dalampasigan ang maduming tubig na galing sa mga kanal at katabing creek. Mabuti na lang at sa taxi ako nakasakay, hindi ko maaamoy ang masangsang na halimuyak ng Mandaluyong tuwing umuulan. "diretso pa ba?", sabi nya... "Ah, oo!", kako. Pag dating namin ng Boni extension ay agad na naman nyang nasabi, "Nakow!!! Kalintowng!!" Sa sobrang lalim ng baha ay talagang nagdalawang isip siyang tumuloy. "Papasukin tayow!", sabi ng mamang driver. "Aghhhhh! sige iikot nyo na lang. Sa Shaw tayo!"

5:30 na ay nakasakay pa rin ako sa taxi. 3:30 ang aming usapan. Sabi nya ay OK lang daw dahil stranded din naman daw siya sa school.

Habang tinatahak namin ang matubig at traffic na daan patungong Shaw Blvd. ay patuloy namang naglalabas ng sama ng loob si manong sa akin. Dahil wala na rin akong magawa at wala namang sounds ang taxi nya, sinubukan ko na rin siyang kausapin. Sinasakyan ko na lang ang kwento nya upang hindi naman sha ma bore.
Sa wakas ay tapat na ng JRU (Jose Rizal University). Medyo malaki na rin ang metro ko kaya nag disisyon na ko na wag nang tumuloy ng Kalentong at sa may kanto na lang ng JRU ako bumaba. Mukhang dismayado si manong hindi dahil sa hindi ko nasagad ang kanyang metro kundi dahil nabitin siya sa aming kwentuhan (na siya lang naman ang nag-eenjoy). Pagkaabot ko nang bayad ay bumaba na ako at muling naglakad hanggang school. Sa awa ng Diyos ay nakarating naman ako ng matiwasay at muli akong nakakita ng mga pamilyar na mukha...
Read more >>

11/20/2010

The Poker Set


I didn't even know that we have one. I just saw it yesterday lying down the couch. I was looking at this briefcase and I was actually wondering what it was. It looked like a box of gadgets to me at first. I didn't even try to wonder anymore when that hit my head. My brother is a gadget freak; well, sort of.

Then when I pass by the couch again, he opened it. And there I saw a gold mine. LOL, I was really surprised to see this box of chips. Yes! poker chips! not chocolate chips, not banana chips, not Mr. chips, but poker chips! And when I saw it, I was like, "Holy Cow!? Where did that come from?" I didn't really even bother to ask anymore. I was just excited to see it in front of me. We were planning to have that a long time ago, and now it's just in front of me without prior notice. Maybe they bought it while I was at work the whole week. Tssss!! Crazy and weird, but glorifying...

So after that dazzling moment (LOL), I took the briefcase and went upstairs to actually take pictures of it. Am I on drugs? I'm actually taking pictures of a poker set, is that even reasonable? Nah, I was just excited to have one. I was even thinking, I couldn't even get to play it because of my job. I never get to stay at home. But this is really something, especially when my friends get here, we can play. Yes! I can only imagine! No more FaceBook pokers, Uh-uh...

Come to think of it, I was never really a poker genius nor a poker player. But actually when I learned the rules of the game and started playing it, I got hooked to it. It's cool, I know. That's why I've searched for online poker games. Although I don't really play with big money involved. As much as possible I just wanted a friendly game. But that's the problem. The excitement of this game wears off if there're no bets. So let's put some penny on the table and the real strategy pop out of our minds.

The game is simple. It's similar to my favorite card game is pusoy dos. It also goes along with the rules of pusoy when it comes to card combinations. In these traditional games that I've learned when I was younger, you need to have a combination of 5 cards which is the same with poker wherein you need to have a combination of 5 cards also.

With poker, you will be given 2 cards. Only you should see it and of course you should not share it with seatmates; or else, what kind of card game is that? (LOL) Alright, then the dealer will place 5 cards on the table. First, he or she will lay 3 cards, then the fourth, then the fifth... When one or two of your cards made a combination with any of the 5 cards that the dealer placed on the table, you're lucky! You're one lucky bastard!

Oh well, I don't really want to detail everything on this blog. I just got excited to find out that we have our own poker set now. No need to dream about it anymore.
Read more >>

11/13/2010

Ang Paboritong Libro Ni Hudas

This is the third legacy of Bob Ong, the author of ABNKKBSNPLKo?!? and Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?




These are some of his books:

  • ABNKKBSNPLKo?!?
  • Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?
  • Ang Paboritong Libro ni Hudas
  • Alamat ng Gubat
  • Stainless Longganisa
  • MACARTHUR
Of all his books, only one was I able to finish. That is "Alamat ng Gubat", full of laughter and ridiculous concepts as usual. Tinapos ko yun ng isang upuan lang. And that was the first time I was able to finish a book. I just borrowed it from a classmate when I was in college.

Way back in High School I was able to read two of his masterpieces, the first and the third book. But I wasn't able to finish it because I just borrowed them from my friends. I also glanced one of his books, the second one. It caught my attention because one of my classmates was reading a book upside-down.

Ang Paboritong Libro Ni Hudas (Bob Ong)
third legacy


This is the very first book I bought for myself. Well I bought books before but those books weren't for me. I buy books for gifts not for me to read. But this time I was so eager to complete his books. I want to collect all six and the upcoming books.

I bought "Ang Paboritong Libro Ni Hudas" first because this was the first Bob Ong book that I was able to read, although just the first part. So I decided to start off with this book and then I'll purchase ABNKKBSNPLKo?!?, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?, Ang Alamat Ng Gubat (even if I finished this book already), Stainless Longganisa, and lastly MACARTHUR.

I bought this book at Powerbooks, Glorietta. At first I wasn't really sure if I will buy a book or not. Like I said, this is my first time to buy a book for myself. I was even thinking of buying a different book. I looked around first. I searched every corner because there might be something else interesting to read like detective stories and all that. But then I realized, I'm really no good when it comes to books. So I went ahead and asked the sales lady, "Where are your Bob Ong Books?" I was looking for it all over and I can't find it. It was at the front shelf.

Then I saw all his books. I wanted to grab them all, but I was on a tight budget. I was still thinking that time, "What should I pick?" But I always had "Ang Paboritong Libro Ni Hudas" in mind. Then I didn't think twice anymore because I needed to go home already. I grabbed the book and bought it.

He's really a great author. Bob Ong combines knowledge with funny facts and he delivers it smoothly to make his readers think twice and realize, "Oo nga noh?" He uses common and new-age phrases to attack the youth but at the same time he uses old school topics to capture the elder's attention. His delivery and choice of words are rather simple and probably some would refer to as junk, but if you contemplate on his ideas, he makes big sense. Bob Ong uses humor all the time with his books that makes it comic, but if you would really look deep into it, he only puts those words to entertain you but it's actually a great strategy to convey his unusual wisdom to each and everyone of his readers. I say it's unusual wisdom because when you look at it plainly you will only see what it says, but when you look at it from a wider perspective, this simple thought has a deeper meaning and it really reaches every fanatics and even non-fanatics of his art. A lot of people are using his quotes to encourage people or to make them feel better, and most of all, to put a smile on their faces.


Read more >>