10/07/2010

My Big Brother is Back

At sa wakas ay dumating na rin ng Pilipinas ang inaabang abangang kuya. Balita ko may bago daw akong sapatos, pero wala pa naman akong nakikita. Pero ang sarap ng chocolates. Dami na naman naming gadgets na dati naman ay wala kame. Dahil sa totoo lang ay simple lang naman kame.

Meron shang dalang DJ Mixer. Akala mo mag tatayo kame ng mini Bar. Mahilig kasi kuya ko sa house party. And instead of hiring pro DJs, sha na lang bumili ng DJ equipment. Maliit lng to, di sha pang pro. Kinakabit sa computer tapos ang software nya eh DJ Mix. Astig nga eh. Pati mga Disco lights bumili sha. Kulang na lang pati yung strobe light bumili sha. Ang alam ko nga meron kaming flicker eh.

Balak ko pa sana bumili ng ipod dock. Meron na pala sha, Altec Lansing pa. Akalain mo yun? Kaya nya pala ko tinatanong kasi baka mag doble-doble.

Anlupet ng bagong laptop nya. Sony VAIO na naman. Yup, I know... hanggang pangalan lng ang VAIO. But I tried it a while ago. Astig! hahahaha... Sana ipaubaya nya na saken yun. Core i3 quad processor, Win7 na sha. Although generic ng Microsoft yung VidCard pwede na rin. I tried to play a game at di rin masama. Full keyboard pa kasama yung numpad, pero di sha ganong kalaki. Basta astig. Black ang kulay, bagay saken. My favorite LOL korny hahaha.

Sayang kasi di pala nila dinaanan sa Mandaluyong yung PS3. T_T di naman yun nagagamit dun. Sana nakapag laro na ko kasi me pambili na ko ng PS3 games ngayon. Dati kasi wala pa ko trabaho eh hahaha.

Tapos pag dating ko kagabi dumeretso ko ng Robinson's Dasma kasi nag gogrocery pala sila. Tapos ayun nakakatawa kasi nagbabalak bumili ng LCD TV. Goodluck na lang sa presyo. Sabi ng tatay ko, sa pasko nlng daw or bandang December kasi yung mga new models biglang nirerelease sa season na yun. As if bibili kame ng latest. @_@ akala ko ba negosyo uunahin? Baket parang nauuna na naman ang mga luho ahahaha. Bahala sila.

Tapos last night, since hindi TV ang pinuntirya nila, pumunta sila sa karaoke/videoke section. Ayun bumili ng joketime na videoke player for around 2.5k. Goodluck! eto pinagpepyestahan na nung mag-asawa sa baba. Nag vivideoke sila. OK lang atleast masaya kahit ologs yung player. Pensonic yung tatak. Diba yun yung imitation ng Panasonic na gawa sa China? ahahaha

At akalain mong pati magulang ko eh naglolokohan pa sa scoring. Sila-sila na nga lang nag kakatuwaan dun nagbobolahan pa sila. hahaha... ewan. At talagang natawa at napamura ako nung narinig ko kumanta ng Cueshe yung tatay ko. Di pa nakuntento at sinundan pa ng Hale at Sugarfree... Tinext ko si JC at iba pa.. sinabi ko ang tungkol sa kalokohang to. Sabi ni JC maglalaslas daw sha pag kumanta ng kPOP tatay ko. Punyeta biglang yun yung next song na nilagay ng tatay ko, "NOBODY".

-> Blog about Pensonic Videoke Player