11/13/2010

Kapitulo Uno: The Call Center Experience

At medyo tinamad akong mag blog nitong nakaraang araw (the start of my off). Bigla kasi akong nagstart mag-laro ulet ng Cabal (e-Games Philippines). Last week kasi I wasn't able to play it because of an "n-Protect" error or the Game Guard error. It keeps on telling me that my game got hacked even though it wasn't. I just needed a repatched and it was gone. And that was just this weekend since I got back from work. Sa makati kasi ako nag stay pag work days eh. Umuuwi lang ako ng Dasma pag off ko na.

----

The Call Center Experience


Minsan akong na-bore sa trabaho ko dahil sa haba ng "avail". Take note, I'm a call center sales agent for a satellite TV service (and I don't even know why). Most of the time, nabo-bore ako sa trabaho because this is not my kinda thing. Personally, hindi ako mapilit na tao so sales is not in my blood. Dito lang ako natutong mangulit ng tao para bumili ng isang serbisyo na aming nirerender.

3 months-mahigit na ako sa trabahong ito, palagay ko. Nagsimula kasi ako nung kalagitnaan ng July. Ayan mag aapat na buwan na pala ko sa trabahong to. Ang totoo pinag tiya-tiyagaan ko lang to kasi kelangan ko magtrabaho. Di naman ako graduate para mamili pa ng trabahong nararapat para sakin. Pero di talaga to ang pinangarap kong trabaho. But, so far OK naman. Nananalangin ako na sana pagdating ng pasukan sa susunod na taon ay makapag-enroll na ulet ako para makapag-tapos na!

Sa totoo lang eh nakakaumay talaga ang trabahong ito. Lalo na kung ikaw yung tipo ng taong madaling mapagod sa paulit-ulit na gawain, tulad ko... OK lang sana kung yung sistema yung paulit-ulit kasi ganun naman talaga sa trabaho. Tulad ng mga pok-pok sa kanto, gabi-gabi ay naghahagilap sila ng mabibingwit na forenjer ika-nga. Matapos ay gagawin na nila ang nasabing trabaho (kung trabaho mang maituturing yun) at kikita na sila ng pera. Pero may iba-ibang variations ang trabaho nila, may challenges and risks. Minsan ay nagpapalipat-lipat pa sila ng lugar. Ganon din ang mga Pari. Sabihin na nating hindi ito trabaho kundi kawang-gawa. Maaring nanggagaling lamang sa isang Aklat ang kanilang mga sinasabi tuwing sila ay magmimisa subalit ang mga taong kaharap nya araw-araw o linggo-linggo ay iba't ibang mga tao. Kada Ebanghelyo ay may mga ibang homilya rin siya, at madalas ang mga homilya niya ay naaayon sa current events. Napapadpad rin siya sa iba't ibang bahagi ng lugar sa bansa at kung minsan ay ibang bahagi ng mundo. Marami siyang natututunan sa kaniyang ginagawa. Marami siyang challenges na kinakaharap at na o-overcome. Exciting kumbaga!

Ngunit sa trabaho ko ngayon, (pasintabi na po sa lahat ng kapareho ko ng trabaho) sa totoo lang ay nakakabagot sapagkat paulit-ulit lang ang ginagawa, sinasabi, kinakausap, dinadahilan, at iniisip. Sa trabahong ito ay wala akong ibang goal kundi ang mag-intay ng sweldo. Kund di nga lang siguro malaki ang sinasahod ko dito, di na ko nagtagal pa. Kaso matindi rin ang pangangailangan ko. Kelangan ko makabalik sa eskwela. Wala akong pake kahit anong petsa na at ilang taon na ko. Ang mahalaga sakin eh makatapos ako.

Nakakapagod pala ito (Doodle by Mimi)
Nakakatamad talaga kumausap ng mga customers mong "alam mo na?" Scripted kasi eh. Pati yung mga idadahilan mo kahit wala naman talaga sa script, pero dahil kabisado mo na mga tanong nila, ikaw mismo nakakagawa ka na ng sarili mong script. Nagulat nga ako kasi dati tumatagal ang benta ko ng isang oras kaya ilang tawag lang ang natatanggap ko kada isang araw. Aba ngayon sa sobrang kabisado ko na ginagawa ko, kahit pigilan ko ang oras ay tumatagal ito ng less than 17 minutes. Bagalan ko man ang pagsasalita at habaan ang aking mga sinasabi, sadyang nasanay na ata ako sa trabahong kinatatamaran ko.

Minsan nga, na-bore ako dahil sa haba ng "avail". Ibig sabihin walang pumapasok na tawag. Akalain mong na-bore ako dahil dun? Sabay napaisip ako, bakit?? Hindi kaya nag-eenjoy na ko sa ginagawa ko? Then I realized, it's not because of the job. It's because of those people around me at work that makes the load much lighter. I've managed to make friends lalo na yung new supervisor ko na parang tropa-tropa lang. So hindi masyadong mabigat. May pressure pa rin mula sa kanya pag walang benta, pero yung tipong pang-irita na lang.

Pero ngayon, dumadalas ang paghaba ng "avail". Dumampot ako ng isang magazine ng opisina namin. Nagbasa ng tungkol sa mga kung anong ipapalabas sa ganitong araw at oras. At kahit papaano eh na-entertain naman ako. Saka ko naisip na bumili ng libro para basahin tuwing avail. Pero hindi naman ako talaga mahilig magbasa ng libro, kaya wala talaga akong maisip kung anong libro ang bibilihin ko para basahin. Gusto ko sana eh yung gagana yung utak ko, mag-iisip ako at mae-excite. Kaso lang ayoko ng masyadong seryoso kasi madalas na nga akong nalulungkot sa trabahong ginagawa ko. So gusto ko yung nakakatawa. Nagtanong ako kung merong ganong libro yung ex ko. Ang sabi nya puro seryoso daw ang mga libro nya. Sinabi nyang bumili na lang daw ako ng mga libro ni Bob Ong. Actually naisip ko na yun, ayaw ko lang gumastos para sa libro kasi di nga ako pala-basa. Pero wala na rin akong nagawa dahil nakakatuwa naman talaga ang mga libro ni Bob Ong. May mga libro na shang naumpisahan ko ng basahin at tawa ako ng tawa. Lalo na yung isang libro nya na natapos kong basahin. "Ang alamat ng Gubat." Ito ang pinakauna kong natapos na libro nya.

Naalala kong dati ay may naumpisahan akong libro nya. Kulay itim ito at may sa-demonyo ang dating. Ahah! "Ang Paboritong Libro Ni Hudas!" >> read story here