1/18/2011

Balitang Balita sa Radyong Sira

Ngayon lang ulit ako nanuod ng TV kung kaya't ngayon lang ulit ako nakarinig ng balita. Para akong batang ang alam lang ay manuod ng Dragon Ball Z at mag-abang ng Pokemon sa channel 7. Pero ngayong gabi, ako at ang aking kapatid ay nanunuod ng TV at ito ay nakatuon sa channel 2 o ABS-CBN. TV Patrol ang palabas. Nais ko lamang makigulo sa mga balita ng Pilipinas. Halina at makihalubilo...

PANAHON AT SAKIT

Ayon sa balita ay taglamig ngayon. Sa totoo lang bumabagyo na pala sa ibang bahagi ng bansa ay hindi ko pa alam. Baha na ang maraming parte ng mundo kabilang na ang Pilipinas. Bubong na lang ng bahay ang kita sa ibang mga lugar sa mapa. Nakakalungkot mang isipin pero nakatutuwa pa rin na kami ay hindi bahagi ng mga bahang ito (dahil sa bundok ako nakatira). Kapag kami ang binaha, kamusta naman ang Maynila.

Ngayon ay alam ko na kung bakit ako may sakit. Dahil taglamig daw, mabilis kumalat ang mga virus. Kaya mag-ingat sa mga bading, mga jejemon, at mga ungas. Mahirap ng mahawa. Walang gamot jan, pahinga lang... habang buhay. Pinapayuhan ang lahat na pitasin ang bawat dahon at bunga ng mga punong-kahoy at halaman sa inyong bakuran. Pag-eksperimentuhan ninyo kung anong gamot ang maaaring makatulong sa inyong pagginhawa. Tulad ng lagundi, oregano, at luya, ang vitamin tablets ay makatutulong rin. (Other considerables: katol at tawas.)

SUNOG

Naturingang taglamig, tag-ulan, at tagbaha, hindi pa rin maikukubli na summer na nga. Walang kinalaman dito ang sunog. Nabanggit ko lang. Nakakapanlumo mang isipin pero laganap ang sunog ngayong unang buwan ng taon. May mga nasasawi, natutupok na bahay, at nasusugatan, tulad ng mga taong may pusong sugatan dahil malapit na ang Valentines Day.

NEGOSYO

Parang kanina lamang ata ng sumugod ang mga kampon ng B.I.R sa Tutuban Mall, 168 Mall, at iba pang mga bigating cheap malls sa kalakhang Maynila. Ang mga tindahan na nangungupahan sa mga malls na ito ay nasabing hindi nagbabayad ng tamang buwis kung kaya't sila ay napag-initan.

Kawawa naman ang mga suking mamimili. Bulk orders pa naman ang bentahan dito. Pero iyon talaga ang sikreto ng lugar na iyon. Hindi sila makakapag bargain kung may malaking buwis na nakapatong sa ulo ng mga @#$%^&* nila.

Pero gayunpaman, ang batas ay batas. So sorry na lang.

SIMBAHAN, SAMBAYANAN, AT POLITIKA??

Medyo seryoso ang usaping ito. Nabalitaan ko kasing magkakaron na raw ng discount ang pagpapa-annul ng kasal? Are you drugs? Baliw ba sila? Bakit nila ibababa ang presyo ng annulment sa bansa? Ano kayang motibo nun? Mas mabuti na ngang mahal at mahirap magpa-annul para yung mga gustong mag-asawa dyan ay hindi mag basta-basta sa pag didisisyon. Hindi naman kasi laro ang kasal na pag game-over na eh next game naman. Ano yun tetris? Are you drugs?

Ang pag-aasawa, hindi yan parang mainit na kanin na isinubo at pag napaso ay... iinuman mo ng malamig na Coke! Ahhhh, sarap! Isa itong sagradong sakramento na kailangang pinag-iisipang mabuti dahil, dahil... (teka mag facebook lang ako)

Basta abnormal yun! Kapag yung brand new na Porsche ibinenta mo sa market ng P100 Thousand ang isa, maraming bibili. Ganon kasimple yun. Kahit yung mahihirap ay biglang yayaman makabili lang nyan. Para kang nagbenta ng laman sa halagang libre.

SHOWBIZ

Si Baron Geisler daw nambastos na naman daw ng babae. Ni hindi ko alam kung bakit binabalita pa tong mga ganito. Balita pa ba yan? Para kang nagbalita na maraming artista ang umaasang mananalo sa eleksyon kung tatakbo sila, at marami ngang nananalo. Ganon! Napakawalang kwentang balita!

Siguro ang mga magandang balita tungkol kay Baron Geisler ay... "Baron Geisler, nangdakot... ng balls ng isang PBA player... at kanya itong ipinasok sa butas kung saan ito nararapat."