Ads 468x60px

1/22/2011

Payo ng Isang Kaibigan sa Isang Kaibigan

"di mo yan makakalimutan. mas makulit ang problema pag tinatakbuhan. harapin mo na lang ang katotohanan at disisyunan mo na. tapos panindigan mo disisyon mo. payo ko rin yan sa sarili ko" - ashkenazz

Kasalukuyang namumrublema ang isa kong kaibigan tungkol sa kanyang lablayp. Hindi ko mapigilang matawa kasi natatawa ako. Hindi ko rin naman mapigilang malungkot dahil parang pinagdaraanan ko rin ngayon ang mga napagdadaanan nya. Hindi man kaparehong-kapareho ay may pagkakapareho pa rin. (huh?)

Gusto nya kasing kalimutan ang isang bagay, isang babae, isang sitwasyon, o kung ano man ang nangyayari sa kanya ngayon dahilan sa pagkalito na kanyang nararanasan sa kasalukuyan. Mahirap nga naman itong basta-basta nalang pawiin. Mabigat ito lalo na't araw-araw kang maaalibadbaran sa pag-ali-aligid nito sa iyo habang naliligo, kumakain, tumatae, nag-aaral, o nangungulangot.

Ang problema sa pag-ibig ay isang malaking hadlang upang ikaw ay makapag-isip ng tama at makagawa ng tama. Ang kagandahan pa nito, mukha ka laging tanga. Nakatulala ka sa kawalan, nakatingin kung saan-saan, bigla na lang kumakanta, nagiging magugulatin, at nakakapag-isip ng mga bagay na tanging ikaw lang ang nakakaisip at nakaka-intindi. Nagiging mahirap kang unawain... kasi pag kinikwento mo ang mga pangyayari ay para kang nagsasalitang daga. Tama, hindi ko talaga alam kung paano intindihin ang lengwahe ng mga daga. Ganon ka kahirap intindihin pag nasa ganitong sitwasyon ka at ang problemang kinasasadlakan mo ay sadyang mahirap maipinta.

Sa mga pagkakataong ito ay tamang lumapit ka sa mga kaibigan, sa pari, sa mga strippers sa club, at sa kung sino mang mapagkakatiwalaan mo na alam mong nagmamalasakit sayo. Maganda rin na humingi ng opinyon sa mga taong hindi mo kilala pero marami ng karanasan sa mga gantong bagay tulad nina Ai Ai delas Alas, Ogie Diaz, at Piolo Pascual. Pero tandaan na delikado ang ganitong panuntunan sapagkat sa ganitong paraan ay sari-saring opinyon ang iyong maririnig at mas mahirap intindihin kung ano ang tama at mali. Kaya dapat ay mayroon kang bukas na isipan. Normal lang na maguluhan ka sa mga naririnig at nauunawaan mo. Sa ganitong sitwasyon ang pinakamabuting takbuhan ay ang taong nilalayuan mo. Kasi sa kanya mo lang mahahanap ang mga sagot na hinahanap mo sa iba. Ito ay dahil, yung mga tanong ay tungkol sa kanya. Pero bago gawin iyon, pag-isipan mo munang mabuti. Ang isa pang nararapat mong puntahan at hingan ng tulong sa mga ganitong pagkakataon ay walang iba kundi ang sarili mo. Ikaw lang kasi ang makakapag-isip at makakapagdisisyon para sa sarili mo. At pag napanindigan mo ang mga bawat disisyon na binibitawan mo ay wala ng laban sayo ang kahit na sino. Ikaw na ang hari ng mundo mo.

Kaya ang payo ko kapatid, wag mong takbuhan kasi hahabulin ka nyan. Makulit pa yan sa nanay mo. Hahauntingin ka nyan at di ka tatantanan ng mga "what if's?". Sabihin nating natakasan mo ang problemang iyan ngayon. Kahit nahanap mo na ang kasagutan sa kasalukuyan mong kinatatayuan, babagabag pa rin sa iyo ang nakaraan at tatanungin ka ng english. What if I did this before? What if I told her the truth? What if I moved my ass and made something out of nothing? What if I tried?

Lahat ng mga nakakasulasok na tanong ay magbabalik sa iyo at babangungutin ka hanggang di ka na muling magising pa bwahahahaha! Kaya kung ako sayo, harapin mo, kid!

di mo yan makakalimutan. mas makulit ang problema pag tinatakbuhan. harapin mo na lang ang katotohanan at disisyunan mo na. tapos panindigan mo disisyon mo. payo ko rin yan sa sarili ko - ashkenazz


Mas madaling tanggapin ang problema kung alam mo kung saan ka nagkamali. Pero kung mangmang ka sa katotohanan, matulog ka na lang at magkamot ng bayag.


(payo ko rin yan sa sarili ko)

1 comment:

Post a Comment