Kakaibang ...

2:30PM - Present

Kakarating ko lang ng bahay (apartment sa Mandaluyong). Umebak muna ako. Paglabas ko ng banyo ay may narinig akong kumakatok sa may gate. Sinilip ko kung sino ang naroroon. Wala akong nakita. Binuksan ko ang pintuan at binusisi kung anong nilalang ang kumakatok sa aking tarangkahan.

Isang Ate: Nanghihingi lang po ng tulong para sa patay, anak ng dyaryo naman oh! (patay rin ang kanyang pagkakasabi)

Umismid na lang ako at naghalungkat ng aking Penshoppe na pitaka. Dumukot ako ng halagang Bente Pesos dahil hindi rin naman ako sigurado kung para nga ba talaga iyon sa patay o trip-trip lang. Lumabas ako at iniabot ko ang pera. Matapos makuha ang hinihingi ay kanyang winika,

Isang Ate: Pangalan?
Ako: Marc?...

Sabay salubong ang isa pang ate at biglang lumisan ng walang pasalamat at walang paalam.

Ano ba namang klaseng mga tao yan oh? Hindin mo alam kung humihingi ba talaga ng tulong o ano. Sulat na lang ako ng blog.

-----
1:30PM - 2:30PM

Galing akong opisina. Masaya dahil naka tatlong benta ako. Weeeee! Mataas na close rate. 208.33% ang performance ko ngayong araw na to. Nung nagdaang araw ay 250%. Talk about performance!

Matapos ang shift ay nagpasya na akong umuwi. Sabay dapat kami ng isang katrabaho pero nagpasya syang magpaiwan dahil trip nyang makasama ang iniibig sa kabilang departamento. Sumabay ako sa shuttle tungong Libertad, Mandaluyong City for the first time. Eksakto, dumaan ito sa street kung saan malapit na ang apartment ko. Isang sakay na lamang ng jeep ang layo pero dahil masipag akong maglakad ay nagtipid ako ng pamasahe. O kaya naman ay dahil nagtitipid ako ng pamasahe ay sinipag akong maglakad. Alin man ang mas makabubuti para sa iyong pang unawa.

Didiretso na dapat ako sa aking apartment ng naisip kong nagugutom nga pala ako. Umatras ako at dumaan sa Ola Tapa Atbp (isang tapsilogan). Hindi ko masabing masarap na masarap, di ko rin masabing masarap. Tama lang ang lasa at timpla. Hindi kareklareklamo. Gusto ko lang sana magreklamo sa extra rice. P12.oo ang lintek ang wala pang half-rice ang dami. OK lang. Parang diet kuno. Pero di pa rin solve sa presyo. Anyway, nakain ko na eh. Sige na lang.

Matapos kumain ay nagpasya na akong umuwi. At heto ako ngayon. Nangangalay na naman ang mga hita at binti sa pagkakaupo (ng naka Indian Sit) habang nagtatype nitong blog na to.

-----
3:10AM - 4:00AM

Kaninang madaling araw nung papasok ako ng opisina galing bahay...

Lumabas ako ng apartment at nagkandado ng tarangkahan. Lumabas ako sa may kalsada upang mag abang ng tricycle. Normal namang may dumadaan doon kahit ganung oras. Minsan lang talaga ay may mga oras na kelangan mong lumapit sa mismong sakayan para magpapansin sa mga inaantok na driver.

Pero pinili kong maghintay dahil nadala na ako sa nakaraang pumunta ako ng mismong sakayan. P20.oo ang siningil sa akin gayong ang alam ko ay dapat na P14.oo lang. Habang nag-aabang ako ng masasakyan ay napansin kong may umaaligid na malaking mama sa may di kalayuan. Unti-unti itong lumalapit sa direksyon ng kinatatayuan ko. Nakakapangilabot dahil ang laki-laki nyang tao at humihigop ito ng slurpee (o Starbucks, hindi ko talaga sigurado at hindi ko na binalak pang alamin lalo na nung maganap ang mga naganap na hindi dapat maganap).

Dumaan ito sa may harap ko at tinanguan ako na parang bumabati. Hindi ko ito pinansin dahil naisip kong baka isa syang shoke na nangangalap ng atensyon. Pero nilampasan ako nito habang pasway-sway na naglalakad higop-higop ang nasabing inumin. Naisip ko. Masyadong malaki ang katawan nito para maging bading. Hindi kaya holdaper ito? Kinabahan ako dahil baka bigla nyang ihagis ang bitbit na (slurpee?) at bigla akong tutukan ng kung ano. Lumampas ito sa akin at tila naglalakad na papalayo patungo sa direksyon ng sakayan ng mga tricycle. Medyo nakalma ang aking kalooban dahil doon. Nagulat ako ng bigla itong naglakad pabalik sa aking kinatatayuan. Pagtapat nito sa akin ay tumango na naman ito na tila bumabati. Sumagot ako ng tango ng may halong kunot sa noo. Nagugulumihanan sa kung anong pinapakay ng nasabing akusado. Maya-maya pa ay bigla itong lumapit at pumwesto sa may likuran ko kung kaya't bigla na talaga akong kinabahan. Baka bigla niya akong tutukan ng kung ano. Hanggang sa bigla ko itong narinig na nagsalita.

Mamang malaki ang katawan: Hi~ (Mas malaki pa ang boses sa akin pero may lambing at kulot yung dulo). Ako nga pala si Willie~

Ito na ata ang kinatatakutan kong mangyari. Ang hindi dapat nangyari. Iniabot nito ang kamay sa akin na tila nakikipagkamay bilang tanda ng pakikipagkilala. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at napilitan akong abutin ang kamay nya para makipagkamay. Pero hindi pa man tumatagal ang kamay ko sa hand-shake na isang bagsak ay bigla ko itong inilayo at iniiwas matapos kong maramdaman ang paghaplos nito sa aking palad na may kasamang himas.

Putang ina! Napamura talaga ako sa loob-loob ko. Matapos noon ay sunod-sunod na ang mga tanong nyang ayoko ng sagutin. "Anong pangalan mo?", "Papasok ka ba?", "San ka nagtatrabaho?", "Ang aga mo naman...", "Sasakay ka ba ng tricycle?", at kung anu-ano pa. Hindi ko na pinansin ang mga iba nya pang tanong. Dumiretso na ako sa sakayan ng tricycle at doon ako sumakay. Di bale nang magbayad kahit P50.oo. Bigla kong naisipang mag-taxi kahit di sapat ang pera. Pagdaan ng tricycle ko sa harap nya ay napansin ko pang nakatitig ito sa akin habang pasway-sway na humihigop ng kung ano.

Putang ina! Napapamura talaga ako! Gustong-gusto kong kumitil ng buhay nung mga sandaling yon. Grabe!!!!!!

Pagdating ko ng opisina ay ito lang ang nasabi sa akin ni Betchay, "Ikaw na ang hot..." Letse!
0 Responses

Popular Posts

://ashkenazz.blogspot.com
The On Demand Global Workforce - oDeskThe On Demand Global Workforce - oDesk

This is a personal blog. anything posted herein is purely out of my own opinion.


Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.