Marlboro Tipid Pack

Kagabi matapos kong kumain ng dinner sa Ola Tapa Atbp. ay nakaramdam ako ng pagkabusog kung kaya't hindi ko mapigilang hindi magsindi ng sigarilyo. Wala naman ako nun dahil tumitigil na nga ako matapos kong lumiban ng apat na araw sunod-sunod sa opisina nung nakaraang buwan dahil sa kumplikasyon sa baga. Pero iba talaga pag dati ka nang naninigarilyo. Hahanap-hanapin mo.


Naisip kong dumaan sa katapat na tindihan para bumili ng isang stick ng yosi. Marboro Lights lang sana. Nakita kong nakasabit ang mga tetra-pack ng yosi. Yung tiglilimang piraso kada pack. Ito ata yung kung tawagin nila ay tipid-pack. Nakita ko na ito dati nung dun pa ko malapit sa Kalentong nakatira. Pero dati kasi ay medyo malakas pa ko manigarilyo kaya Menthol at Red na Marlaboro half-pack o soft-pack ang binibili ko.

Nun ko lang naisip na OK rin ang naisip ng Marlboro ukol sa tipid-packs. Pwede to sa mga starter at sa mga pasuko na mag yosi. (Pero wala pa ring tatalo sa takatak kung saan tingi-tingi o per stick mo mabibili ang yosi). Mapapaisip ka pa talagang huminto dahil sa mahal ng lintek na presyo ng isang stick.

Nagkamali pa ako ng banggit nung tanungin ko kung taglilimampiso ba yung tipid-pack na yun. P18.oo - P20.oo nga pala ang half-pack, kaya nasa P9.oo - P10.oo dapat ang halaga ng limang piraso. P9.oo daw sabi ni manang. Sige, binili ko na.

Mukha itong wafer. Nagutom tuloy ako. Kung kasing safe lang sana ng wafer ang nakakaadik na sigarilyo eh di sana sumexy pa ako. Buti may naiwan pa palang lighter sa maliit kong bag na nakatago sa iskaparate sa loob ng kwarto.

... sindi ng isang stick ...

Ayun, sa labas din ako ng bahay nagyosi. Wala kasing ash tray.
0 Responses

Popular Posts

://ashkenazz.blogspot.com
The On Demand Global Workforce - oDeskThe On Demand Global Workforce - oDesk

This is a personal blog. anything posted herein is purely out of my own opinion.


Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.