Silbi ng mga Bagay-bagay

Madalas sumagi sa isipan ko dati kung bakit nga ba may mga bagay at mga nilalang sa mundo na bagamat lubha namang mukhang walang naidudulot na mabuti sa atin ay nandiyan pa rin at di mawari kung ano nga ba ang naturang silbi.

Tulad na lamang ng mga langgam. Datapwa't ngayon ay alam ko na kung ano talaga ang kanilang silbi sa kapaligiran ay dati itong lubos na bumagabag sa akin. Di ko mapagtanto kung bakit mahilig sila sa matatamis - mga tsokolate at bawat pagkaing masarap, lalo na yung may asukal. Gayun pa man ay mas hindi ko maintindihan kung bakit mas "in" sa kanila yung mga panis, sirang pagkain, nabubulok, patay na daga, sipon, at kalaghara. Ano nga ba ang mayroon sa mga grupo ng naunang salita na nabanggit ang maihahambing sa sumunod na pangungusap? Mahirap lang maintindihan...

Sa parehong aspeto ng pananaw ay mas lubhang bumagabag sa akin kung ano ba talaga ang papel ng mga langaw sa mundo. Tulad ng mga langgam ay mga bwisit din sila sa hapag kainan. Mahilig silang maki-join kapag may simpleng pagkain na pagsasaluhan ng isang mag-anak. Ang simpleng agahan ay pyesta sa kanila. Ngunit ang mas nakakapanginig ng laman ay kung baket kung gaano sila ka excited sa mga masasarap na handa sa lamesa ay ganon din ang kanilang pagkasabik sa mga ebak, basura, masangsang na isda, bulok na kuko, at kung ano ano pa. Ibig bang sabihin nito ay magkasing sarap lamang ang mga bagay na nabanggit?

Kamakailan ko lamang napagtanto kung ano nga ba ang silbi ng mga nilalang na ito sa ating mundo. Hindi sila nilikha para ihalintulad natin ang mga kinakain natin sa exotic nilang taste. Nandiyan sila para i-appreciate ang mga bagay-bagay sa mundo na hindi natin kayang i-appreciate tulad nga ng tae, patay na kuko, umaalingasaw na basura, mga suka ng lasing na pulis, at inihagis na diaper sa katabing ilog. At tulad na lamang ng mga parasitiko - halimbawa ang lamok; kung tutuusin wala naman talaga itong silbi bukod sa dumapo sa ilong mo at sumipsip ng berde mong dugo. Pero kung iisipin mong mabuti, ito lang ang nilalang na nagbigay importansya sa mga bagay sa mundo na bihirang mabigyan ng halaga... tulad ng pagmumukha mo. Vow!
0 Responses

Popular Posts

://ashkenazz.blogspot.com
The On Demand Global Workforce - oDeskThe On Demand Global Workforce - oDesk

This is a personal blog. anything posted herein is purely out of my own opinion.


Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.