3/15/2011

Napeke ni Coco Martin!

Galing akong Puregold kahapon upang mamili ng mangilan-ngilang mga grocery items para sa aking pang-araw-araw na pamumuhay. At akalain mong nakalimutan ko pa nga kung ano ang pinakaimportanteng bibilhin ko nung araw na yun, "KAPE!"

Anyway, napadaan ako sa section ng mga canned goods. I was hoping to buy tuna in can again but I saw this "wOw ulam" thing on the racks eh. (TagLish?) Nakita kong marami nga itong flavor tulad ng nasasaad sa commercial ni Coco Martin. May Adobo, Caldereta, Mechado (Yan yung mga binili ko), at kung ano-ano pang mga tipikal na lutuing pinoy. Nagdadalawang isip pa ako noon kung bibilhin ko na nga ito dahil hindi ako sure kung kelangan pa itong lutuin o parang 555 Tuna na ready-to-eat na siya. Sinubukan ko ring i-text ang malapit kong kapitbahay at kaibigan upang tanungin kung ready-to-eat na nga ang nasabing produkto, ngunit di ko pa man natatapos ang aking tina-type ay tumambad na sa aking hubad na paningin ang maliwanag na nakasulat sa kanyang pabalat... ("READY-TO-EAT")

Sa kasamaang palad dahil nagmamadali ako, wala pang tulog, at mukha namang credible si Coco Martin, ay pinatulan ko na ang kanyang ini-endorse na "wOw Ulam!"

Kaninang pagkagising ko ay lubhang gutom na gutom na ako kung kaya't hindi na rin ako nakapagpigil at naisipan ko nang gusto ko na atang masubukan ang tatag ng bagong ulam na aking na diskubre. (Pasensya na, mag-isa lang kasi ako sa bahay kaya puro instant lang ang mga ulam ko)

Bumangon ako mula sa kinahihigaan at nagsaing ng mahigit dalawang takal ng bigas gamit ang aking Dowell na rice cooker. Pagkaluto ay binuksan ko na ang inaabangang WOW ULAM. Matapos ko itong mabuksan ay hindi naman ako napa-wow. Pinagmasdan ko ito na may halong pagtataka. Nung natikman ko ito ay lalo akong nadismaya. Kung bakit naman kasi hindi ko kaagad nabasa ang nakasulat na ingredients sa likod ng lata.

Ingredient ng WOW ULAM (Adobo):

  • Luncheon Meat & Sausages (processed beef and chicken)
  • Water
  • Soy Sauce
  • Sugar
  • Vinegar
  • Vegetable Oil
  • Starches
  • Iodized Salt
  • MSG and Spices


In bold letters, LUNCHEON MEAT AND SAUSAGES! Mga pagkain na kinakain ko naman pero di ko nakahiligang kainin. Di ko to nakahiligang kainin dahil parang dumadaan lang to sa lalamunan ko at hindi nararamdaman ng aking bituka. Mas meaty pa talaga yung 555 Tuna. Sana yun na lang ulit binili ko kahit nakakasawa na mag Tuna. At least marami pang flavor yun at nandun pa yung paborito kong Bicol Express na hindi ko naman nakita sa wOw Ulam na to.

Anim na lata pa mandin ang binili ko na tigdadalawa ng bawat flavor na nabanggit ko kanina sa simula. Yun pala, ikadidismaya ko lang ang pagkain nito. I-donate ko na lang kaya sa mga nasalanta ng kalamidad. Mabuti na lamang at mayroon akong nabiling Maggi Savor, Hot Chili Liquid Seasoning. (At talagang kanina pa ko nag aadvertise ng produkto. Kung binabayaran lang sana yung kakaganyan ko)

Hays, makainom na nga lang ng malamig na tubig mula sa aking Hanabishi water dispenser.





.

No comments:

Post a Comment