4/17/2011

Automatic Post Summaries for Blogger

I found this strip of codes in a certain website which helped me a lot in creating automatic post summaries with thumbnails. That's freakin' cool! You don't need to add any extra line of codes. It actually does it automatically, you just need to set your own preference to make it more personalized in a way. Anyway, to get the codes, go to this site.

Pagkamatay ng Isang Artista

Pasintabi na lang sa PEP pero
dahil binanggit ko na rin lang
na sa inyo galing ang impormasyon ko
ay minabuti kong sa inyo
na rin kunin ang picture nya.
Kaninang pag login ko sa facebook ay sandamakmak na wall post ang nabasa ko tungkol sa pagpanaw ng binatang artista na nagngangalang AJ Perez. Sa totoo lang eh hindi ko siya kilala dahil hindi naman ako mahilig manuod ng TV at lalong-lalo na ng mga drama o soap opera. Masyado na akong naintriga nung pati mga katropa ko eh updated na tungkol dito kaya sinubukan kong bisitahin ang isang link sa isang post ukol dito na papunta sa PEP.PH (isang website para sa mga tsismosong pilipino).

Maikli lang ang mga nakasaad na detalye sa website na ito. Ayon sa PEP, na sa kasalukuyan ay hindi ko na magawang mapuntahan ulit dahil ayaw ng mag load, ay hindi nag-iisa si AJ Perez ng mapahamak ito. Kasama nito ang driver ng ABS-CBN, ang kanyang ama, at iba pang mga hindi na pinangalanan o siguro hindi ko lang kilala.

Marami ang nasaktan ngunit natatanging siya lamang hindi pinalad na makaligtas ng buhay sa nasabing aksidente. Nabangga ng bus ang sinasakyan nilang van pauwi ng Manila galing ng Dagupan, Pangasinan. Naapektuhan ang utak nito sa matinding pagsalpuk ng bus sa kanilang sinasakyan. Hindi pa man sila umaabot sa ospital ay binawian na ito ng buhay. Bata pa si AJ Perez. Sa edad na 18 ay maaga itong namaalam, hindi lamang sa mundo ng showbiz, kundi pati na rin sa mundong ibabaw at sa kanyang mga mahal sa buhay. Malaking trauma ang nangyari sa mga magulang ng batang artista lalong-lalo na sa ina nito na iniintay ang kanilang pagbabalik sa Manila. Lubhang hindi rin mapawi ang lungkot ng ama nito at nasabi pang sana ay siya na lamang ang kinuha kapalit ng anak.

Nakakalungkot na sa murang edad ay maaga nitong nilisan ang kanyang mga pangarap at mahal sa buhay. Pero sa kabila nito ay mabuti na ring isipin na maaga niyang nakapiling ang lumikha sa kanya. Siguro ay may mas mahalaga pa siyang tungkuling dapat gampanan ngunit hindi sa mundong kanyang kinamulatan.

Dahil sa pangyayaring ito ay may mga taong natakot dahilan sa isa na namang balita ang nagpatunay na walang pinipiling oras ang kamatayan. Natakot ang ilan sa aking mga kaibigan na nagmamaneho ng sasakyan dahil sa mga aksidente sa kalsada. Yung wala namang sasakyan ay natakot naman maging pasahero.

Paalala lamang po* Maging ang pagsakay sa eroplano ay nakakatakot kapag ito ay bumagsak sa lupa mula sa himpapawid. Kasunod nito ay nakakatakot rin ang pagsakay ng barko kapag hinampas ito ng malakas na alon at lumubog. At wala na sigurong nakakatakot pa pag bigla kang nasagasaan ng humaharurot na mga sasakyan habang naglalakad sa tabing kalsada. Ang punto dito ay walang ibang ligtas na lugar maliban sa patutunguhan mo pag hindi ka nakaligtas sa mga iniiwasan at kinatatakutan mong mangyari. Baka mauna ka pang mamatay sa takot. May mga bagay at pangyayari na labas na sa kapaliwanagan. Nangyayari ito dahil nakatakda itong mangyari at kung ano man ang dahilan nito ay maari na lang siguro nating malaman pag handa na tayong harapin kung ano man yun. Okay?

Ipagdasal na lamang natin ang pumanaw nating kababayan at sana ay matanggap na rin ng kanyang pamilya ang mga naganap, sa tamang panahon.

*Dahil rin pala sa kanya ay napagtanto ko na ganon kabilis mag update ang wikipedia.