Long Time No Blog: Gusto ko ng bagong telepono, yung matalino

Ahh!!! It's been like what?? ...more than two months since I've updated this blog again... : |

Simula nung ma promote ako sa pagiging RC (Resource Center) Workforce Specialist simula sa pagiging isang ahente ng pakikipagkalakaran ay naging mailap na ako sa pag-gamit ng Internet. Ito ay dahil na rin sa kadahilanang wala naman akong matinong Internet connection sa bago kong apartment ngayon. Nakakapag Facebook lang ako sa office paminsan-minsan kapag sinisipag akong makipag agawan ng upuan sa PC corner ng pantry namin. Haist! sa account kasi namin, bawal ang Internet. Pero sana payagan ako pag binalak kong magrequest :).

Bibili na nga lang ako ng pangarap kong phone. Yung matalinong telepono na kung tawagin ay smartphone. Sa pamamagitan ng teleponong ito ay magagawa kong mag-text, tumawag, mag-Internet, magbasa ng mga kung anu-ano. mag-edit ng mga office documents, maglaro ng Angry Birds at Fruit Ninja, atbp...

Dalawang uri ng cell-phone ang gusto kong bilihin. Isang matalino at isang kapakipakinabang. Pareho naman silang kapakipakinabang, mas elegante nga lang yung isa. Siguro dahil matalino sya.

Napupusuan ng aking mga mata ang NOKIA E7 dahil ito daw ang Ultimate Business Phone. Hindi naman ako businessman pero hindi kasi ako yung tipo ng tao na dependent sa "Apps" o Applications. Ano naman ang gagawin ko sa sangkatutak na apps? Ang kailangan ko lang namn gawin ay mag-text, tumawag, mag-Internet, magbasa ng mga kung anu-ano. mag-edit ng mga office documents, at maglaro ng Angry Birds at Fruit Ninja. Bukod sa mga nabanggit ko na yan ay pawang di na gaanong ka laking kawalan ang iba. 8MP naman ang camera ng Nokia E7 kaya hindi na ito masama. Sabi nga ng kaibigan ko, mas mababang pixel ratio para sa isang camphone ay mas maganda. Kasi telepono yan, hindi naman yan camera. Added features lang yan na convenient kung ayaw mo bumili ng extrang camera dahil hindi ka naman talaga photographer pero mahilig ka rin magkukuha ng litrato sa iba't ibang anggulo at lugar.

Tinatanong nila ako kung ayaw ko raw ba ng iPhone? Para sa akin, ito na ang pinaka walang silbing teleponong nakita ko. Ang teleponong ito ay hindi talaga telepono kundi isang gadget na tulad ng i-Pod na nag evolve ng nag evolve ay nilagyan lng ng qualities ng isang telepono. Isang iTouch na nilagyan ng SIM card. Hindi ko naman kailangan ng iTouch. Pambata kasi ito. Siguro nga nag mature na ko. Sabi nga sa Youtube, "iPhone is for girls". Kailan ko lang napagtanto kung bakit nya ito nasabi. Ang lahat ng produkto ng Apple ay palamuti lamang sa katawan. Ikumpara mo ang mga produkto nila sa iba pang mga brand at mapapagtanto mo na humigit-kumulang kalahating porsyento ng babayaran mo ay para lamang sa tatak ng Apple, pero ang nagagawa nito ay wala pa sa kalahati ng ibang mamahalin ding tatak na mas kapakipakinabang at di-hamak na mas matibay pa. Sa madaling salita... isa itong malaking LUHO na hindi kailangan ng aking katawan.

Bakit daw ayaw ko ng HTC. Mukha namang okay ang mga tatak na to tulad ng Samsung at LG. Ang totoo nyan, ilang beses na ako nag balak bumili ng Samsung pero hindi matuloy tuloy dahil hindi ko makumbinsi ang sarili kong ito nga ang nararapat na telepono para sakin. Wala rin akong mahanap na produkto ng HTC na magbibigay sa akin ng hinahanap kong package. Pakiramdam ko, pag sumugal ako sa sulsul ng mga kaibigan ko na "pangit ang Nokia kaya mag HTC ka na lang" ay lalo lang akong magtatapon ng pera dahil hindi rin ako mag e-enjoy sa inaalok nila.

Hindi ko alam kung brand-loyal ba ako sa Nokia dahil ilang beses na rin akong pinipilit ng mga kaibigan ko na mag Ericsson na lang. Magandang brand din ito pero sadyang hindi ko makita ang ka-match ko sa mga produktong kinakalakal nila. Katulad ng sa iba ay tila mag wawaldas lang ako ng pera sa isang bagay na hindi naman ako magiging masaya.

Hndi ko naman sinasabi na Nokia na ang sagot sa mga pangarap ko at wala na akong magiging reklamo pa. Pero bukod sa matagal na akong gumagamit ng mga produkto nila ay subok ko ng matibay ang kanilang mga gawa. Ang mga kinasanayan ko ay nandito na rin at tunay namang kapag kinumpara mo sa ibang telepono ay nakahihigit nga sa iba. Marami lang sigurong hinahanap ang ibang tao na nauuso ngayon na hanggang ngayon ay wala pa rin sa mga nilalabas na produkto ng Nokia pero ang totoo ay hindi ko naman talaga kailangan itong mga fancy na hinahanap nila.

Matagal na akong nagbabalak bumili ng cellphone at hindi ko masabing hindi ko ikinu-consider ang ibang brand. Sadya lang talagang kapag pinagtabi-tabi ko na sila ay bumabalik ang mata ko sa Nokia. Hindi naman talaga ako kuntento sa kung anong maibibigay ng Nokia E7 sa akin. Pero kumpara sa maraming iba pang cellphone na gusto nilang pag batayan ko ng pagpipilian ay ito na talaga ang pinakamalapit sa puso ko. Ilang reviews at specs sheet na ang binasa ko tungkol dito at kinumpara sa iba pang mga produkto ngunit hindi ko maikubling sa Nokia E7 pa rin ako bumabalik. Matibay, maasahan, elegante, at kapakipakinabang.

Ang totoo nyan una kong napusuan ang Nokia N8. Halos pareho lang sila. Lamang lang ang isa sa camera. Pero sabi ko nga mukhang hindi ko naman talaga to kailangan. Parang mas gusto ko yung may hardware keyboard at 4 inch display. Although maraming nabago sa update ng Symbian Anna, parang mas natripan ko na rin yung pagka-slide-flip ng E7.

Hindi ko sinasabing masisiyahan ako pag nahawakan ko ng ang E7, dahil nasubukan ko ng humawak ng N8 at mukhang di rin naman ako nasiyahan. Pero mas ramdam kong lalo akong hindi masisiyahan kung hindi alinman sa dalawa ang mahahawakan ko. Maliban na lang kung talagang may maitapat sila dito na makita kong akma sa hanap ng panlasa ko.

Ahay! Bakit nga ba napunta sa cellphone ang usapan. Papalitan ko na lang ang titolo ng blog na to.


0 Responses

Popular Posts

://ashkenazz.blogspot.com
The On Demand Global Workforce - oDeskThe On Demand Global Workforce - oDesk

This is a personal blog. anything posted herein is purely out of my own opinion.


Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.