Panday 2 Vs. Clash of the Titans


Comment ko sa Facebook >.<


Sa totoo lang di ko pa naman napapanuod tong pelikula na to, ang "Panday 2". Di ko nga matandaan kung napanuod ko ba yung Panday 1 na si Bong Revilla din ang bida noong 2009. Pero napanuod ko na yung Exodus na hindi rin naman ako nag enjoy. Ang totoo ay bwisit na bwisit ako nung napanuod ko yun at para lang akong nag-aksaya ng panahon. Madalas kasi ay nabubulag ako sa mga trailer ng mga bagong pelikulang Pinoy na lumalabas ngayon na mukha nga naman talagang nag improve na ang quality ng visual effects (VFX).

Marami naman talagang magagaling ng Pilipino ang marunong at kayang lumikha ng mga visual effects na kasing husay o mas higit pa sa mga napapanuod nating international films. Kung tutuusin ay kaya rin nating makabuo ng mas magaganda pang pelikula mismo laban sa mga international film makers. Ang nagiging problema lang natin ay masyado tayong na-dikit sa ugaling panggagaya ng lahat ng bagay. Pag wala ng maisip, gayahin na lang kung anong maganda. Sayang ang talento.

Hindi ko rin talaga maintindihan, pero parang likas na sa mga Pilipino ang "manggaya" na lang. Walang originality. Tulad nalang nitong sa Panday 2. Ni-hindi ko lubos maisip kung bakit isinama pa talaga nila sa trailer yung dalawang sikat na halimaw sa Clash of the Titans. Ginagago ba nila ang mga tao? Akala ba nila hindi sumikat tong palabas na to? Eh kasama rin sa trailer ng Clash of the Titans yang mga halimaw na nilagay nila sa trailer ng Panday 2 eh. Ang makulit nito, nasa mga DVD covers at posters pa yan ng Clash of the Titans. Di ko alam at parang proud na proud pa ang mga makers ng Panday 2 na ibandera sa trailer nila na nagaya nila ang VFX ng Clash of the Titans. Kulang na lang eh yung ulo ni Medusa.

So what's the idea?
Para sa akin, hindi naman masama ang gumaya ng istilo sa pag gawa ng mga gantong proyekto. Kung "istilo" ang pinag uusapan. Kasi yung "style", pwedeng ituro yan eh. Pwede mo yang i-Google para maintindihan mo kung papaano gumawa ng malupit na obra mula sa wala. Pero kung pati yung idea ay kinopya mo, sobrang sipag mo na nun! Hindi ko alam kung idea yan nang gumawa ng VFX o ng direktor, producer, o nino man. Pero sadyang nawalan ako ng interes na panuorin pa ang pelikulang ito ng makita ko yan.

Mga Pinoy! tamad din ako kaya di ako umuunlad. Pero malaki ang tiwala ko sa inyo lalo na sa mga taong nasa likod nitong mga ganitong klase ng pelikula. Magagaling kayo, nakikita kong malayo ang mararating at mas mahihigitan pa natin ang mga kayang gawin ng international film makers. Nakita ko rin ang trailer ng The Road. Pahusay na ng pahusay ang mga editing skills ng Pinoy! Patunayan natin na kaya rin nating gumawa ng astig mula sa wala. Huwag kayong maniniwala sa mga direktor at producers na makikitid ang utak. Yung pinakamalalaki at magagandang produksyon hindi natatapos ng madalian. Kung dadaanin nila sa pressure ang lahat ng bagay, mauuwi kayo sa mukhang gagong palabas. Sa totoo lang, mas na appreciate ko pa yung "RPG Metanoia" 3D movie na gawang Pinoy.

*Think about "Avatar" of James Cameron

Skillwise, magaling na talaga kayo. Kitang-kita naman eh. Creativeness... medyo tagilid pa tayo jan kasi hindi ko alam kung nagpapa-uto kayo jan sa mga unggoy na nasa likod ninyo. Storywise, di ko alam kung kelan to aayos. Acting? ewan ko, depende talaga sa direktor yan eh. Pumapayag kasi sila sa mga acting na "pwede na".

Ewan ko ba, manunuod na lang ako ng KINGPIN... XD

0 Responses

Popular Posts

://ashkenazz.blogspot.com
The On Demand Global Workforce - oDeskThe On Demand Global Workforce - oDesk

This is a personal blog. anything posted herein is purely out of my own opinion.


Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.