5/02/2012

Random Trip to Pangasinan: Day 1 at San Fabian Beach Resort



Ang itenerary?? Ayon sa host ng lakad, beach tapos falls. Hinahanap ko sa itenerary kung nasaan ang lunch, dinner, at breakfast, pero tila mas exciting ang trip kung ang lahat ay secret... este, random! 


San Fabian Beach Resort, Pangasinan

Nagsimula ang trip mula sa magulong usapan na meet-up at 5. Take note! 5am sa may Farmers, Cubao. Dun daw sa number one fastfood restaurant in the world... maliban sa Pilipinas. -"McDonalds".

As useless, 5am ako gumising at ang hula ko ay ganun din sila. Kung hindi man, mas-late pa siguro. Nakaalis ako ng Mandaluyong at dumating sa tagpuang lugar sa loob ng 15 hanggang 20 minuto sa pamamagitan ng tricycle at Don Mariano na bus sa may EDSA. Hindi na ito iba kundi isang pangkaraniwang lakad ng grupong nabuo sa sangkatutak na random trip kung saan-saan.

Pagdating sa dako-paroon ay nagkita-kita ang mga late, na pare-parehong naghihintayan ng text kung sino ang mauuna, para malaman kung susunod na ba. At tulad ng inaasahan, hindi ako ang nakatanggap ng early bird award. Clap your hands everybody!

Habang hinihintay ang isa pa ring late na kasama, dahil hindi daw sya pinalabas ng bahay hangga't hindi pumuputok ang araw bilang excuse, ay kumain muna kami ng agahan sa world's #1 kainan except in the Philippine area of responsibility.

Matapos ang nakakaumay na paghihintay, na pinagdaraanan din ng bawat mamamayang Pilipino, ay dumating rin ang winner ng pa-importante award. Clap your hands ebribadeh! Pinakain muna namin sya ng breakfast kahit di naman ata sya nagugutom.

Hala sige! Impake! Larga! Sibat!

Bus papuntang terminal na mukhang isang kanto lang ang layo mula sa meeting place. Limang tumbling lang, nakatipid pa sana ng sampung pisong pamasahe. Sa terminal ay muling magulo kaming naghanap ng masasakyan patungo sa itinext na destinasyon... Pit stop? Jollibee, Urdaneta City, Pangasinan. Ito pala ang pinakasikat na landmark doon. Tinalo pa yung katapat na mall.


Up (L-R): Istin, Rose
Bottom (L-R): Abe, Joby

Sa tulong ng magulong ruta ng bus ay mahigit limampung beses nag reroute ang aking GPS. Akala ko nga ay nasira na ito dahil parang baliw na inuulit-ulit ni Martin ang mga katagang 'route recalculation'. Masaya naman ang trip dahil sa tatlong daang piso mo ay may sukli ka pang viente pesos. Hindi ko rin alam na ang ticket pala namin, na hindi ko man lang nasilayan, ay may kalakip palang free movie pass - matapos ang mga magabagdamdaming awitin sa radio na mukhang niluma na ng panhon.

Astig yung free movie! MI4 - Ghost protocol. Showing pa rin ito sa sinehan, pero swerteng sa bus ko ito napanuod. Hindi na naman talaga alintana yung mga dumadaang tao sa screen dahil maya't maya rin naman ang panhik-panaog ng kundoktor sa harap ng kanilang LCD TV. Ang siste? Para lang akong nanunuod ng trailer.

Sulit na rin ang 280 pesos one way ticket sa byahe na binuno namin sa loob ng mahigit-kumulang apat na oras. May dalawang stop over yung bus sa mga lugar na hindi ko na piniling tandaan dahil hindi naman namin trip kumain sa mga ganon (based from experience). Nasulit ko naman yung comfort room nila. Yung nauna ay may 5 pesos na maintenance fee, pero walang alkohol o lotion sa counter (di tulad sa Shangri-la mall). Yung sumunod na stop over naman ay libre na ang entrance.

Malapit na raw kami sa aming destinasyon. Tatlong kilometro na lang, hirit ng GPS ko. Nagtanong si manong kundoktor kung saan ang aming sadya. Ang sabi lang kasi namin ay Urdaneta. Kailangan mo pa palang sabihin yung magic word - "Sa Jollibee po?"... At alam na agad nila kung saan kayo ibababa.

"ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh...", sabi ng kundoktor.

Hindi ito exagerated. Ganyan nya talaga sinabi.

"Welcome to Jollibee!", bati ng guard... Hindi ko ito naranasan sa McDo dahil wala nama silang guard.

Tumuloy pumasok at nagtingin-tingin sa nakapaskil na menu... Syempre kumain ulit kami. Tinawagan ang host ng trip upang magpasundo... Sinabing 15 minutes lang daw pero humingi pa sya ng extrang 5-10 minutes dahil pag hindi pa sya dumating ay dadaan muna kami ng Baguio, at mamimili ng longganisa sa Vigan.

Dumating ang host na parang isang ninja. Hindi ko sya namalayan. Nagsiksikan kami sa kotse na parang limang taong pumara at pinasakay ng taxi sa kalakhang Maynila. Buti nalang legal ito sa probinsya... O baka sadyang mga ninja lang kami.

Pagdating sa bahay ng host ay shoshort-cuttin ko na ang kwento dahil bukod sa kumain muli at nagpalit ng swimming get up ay wala na kaming ibang ginawa kundi pag-usapan ang bagong tripod ng D90 ni host at pag pyestahan ang nakakatuwang mukha ng romantikong manliligaw ni early bird awardee. 



Ang pinagmamalaking TRIPOD




Test group shot gamit ang TRIPOD

Next stop? Beach! Matapos ang mahigit dalawang oras na pang-ookray sa hearthrob ng Convergys ay naisipan na rin naming sumibat sa dagat... Sa AWA ng Dios! Ang plano ay daytrip lamang kung kaya't iniwan namen ang aming mga bagahe sa bahay ng host. Ang pinaka-late sa amin na hindi pinalabas ng nanay bago lumabas ang sikat ng araw - ay nagpalit sa loob ng kwarto kung kaya't nahiwalay ang gamit niya sa amin.

Para kaming dinikdik na sardinas sa loob ng kotse dahil sa hindi magkasundong mga balakang. Nagkastiff-neck pa ata ako sa hips. Stiff-hips?

Ayon sa GPS ay malapit na kami sa dagat. At yun! I saw a body of water - big enough to call it the beach. Hindi ito white sand at kaya ding daanan ng kotse ng hindi lumulubog ang gulong. Mas firm pa ang soil-like, fine sands dito kesa sa mga baku-bakong kalsada sa EDSA.

May entrance fee pala ang kotse. Twenty petot. Pero tulad ng tamang hinala ko ay hindi ako nagkamali. Kasi tamang hinala yun! Trip lang ang car entrance fee. Para ito sa mga dayuhang mukhang madaling mauto, tulad namin.

Sa tabing-dagat ay maraming cottage. Iba-iba ang may-ari nito. Pero ang tawag sa buong lugar ay 'San Fabian Beach Resort'. Ang daming cottage owners na nakikipagbargain habang tinatahak namin ang shoreline while on wheels. Marami ring cottage owners ang nadismaya dahil mas makunat pa sa tinubigang chicharon ang aming kasama. Sa galing makipag baratan ay nakakuha kami ng cottage at unlimited videoke sa halagang 350 petot pero dapat ay 450.










Ngunit dahil babae ang host ay nagbago na naman ang kanyang isip at nabalewala ang binarat nyang deal dahil gusto na pala nyang mag overnight sa beach. 800 petot na ngayon ang aming bill. At dahil random nga ang trip, kinailangan nyang bumalik ng bahay para kunin ang mga bagahe namin dahil biglang nagswitch to overnight. Ang bilin namen sa host? Kunin ang mga gamit namen na magkakatabi lang.

Naiwan kaming apat na nakaharap sa videoke at animoy nagkakahiyaan pa. Pero dahil wala naman talaga kaming hiya ay nagsimula na akong bumanat. Kanta dito, awit doon, sigaw, birit, piyok, lunok laway, birit ulit... Habang si host ay kasalukuyang naglalakbay upang iretrieve ang aming mga bagahe ay pinag-uusapan pa rin namin ang masugid na manliligaw ng aming early bird. Hanggang sa kantahan ay mayroon din syang espeysyal dedication.

Hindi ko na mapigilan ang aking sarili kapag naririnig ang daluyong ng tubig at hampas ng alon sa dalampasigan, sigaw ng mga batang nagtatakbuhan, huni ng mga manok na hindi marunong tumilaok, at mga asong nagkakaskas ng likod sa malapad na buhanginan. Dali-dali akong naghubad ng pang-itaas at humarurot sa malawak na tubig ng dagat. Tumakbo, tumalon, nagtampisaw, gumulong, lumangoy, sumisid, sabay ahon pagkalipas ng sampung minuto. Sila naman daw, kasi mga inggitero sila. Ako ang ginawang look-out ng mga walang hiya. Kanta-kanta, awit-awit, sulyap-sulyap... Repeat until mapagod ang lahat at pumirmi sa kubo.

6:30pm at gutom na ang lahat, pero wala pa rin ang host. Bored na ang lahat kaya kumanta muna ng istyupid lab. Makalipas ang ilang sandali ay napagpasyahan na nga naming bumili ng alak. Hindi pala uso dito ang Gin. Red Horse na Stallion at Empoy Light lang ang available. Hindi ko alam kung nag didiliryo na ba kami pero wala pang laman ang aming mga tyan ay nagsimula na ang tagayan. Saktong dumating ang host na dala ang sangkatutak na pagkain. May GSM Blue, Softdrinks, at Gonggogong din bilang dagdag inumin. Ahhhhh! ang sarap ng isaw! Meron ding Dinuguan at parang sisig na hindi ko maintindihan, pero masarap. May Chicharon, puto’t kutsinta, at kung ano-ano pa.

Tuloy ang kantahan, kainan, inuman, at kasiyahan. Sabay takbo sa beach kahit madilim at halos wala ka ng makita. Maswerteng inilawan kami ng headlights ng kotse na aming ginamit habang naliligo sa may hindi kalayuang bahagi ng beach. Hindi naman nakakatakot dahil mababaw lang naman yung beach. Hindi na rin ako nag-atubiling magpasikat pa at magpalaot dahil hindi na rin iyon abot ng headlights ng sasakyan.

Sari-saring trip, tampisaw, basaan, kwentuhang walang katuturan, tawanan, at picture-picture sa aplaya ang aming napagtripan. Sa galing at lupit ng Nikkon D90 na DSLR camera ng aming host ay walang napalampas na sandali. Capture every moment, ika-nga.

Makati na ang mga pwet at singit ng bawat isa kung kaya’t napagpasyahan na ngang magbanlaw. Buhos dito, buhos doon. Hugas dito, hugas doon. Nanindigang buraot queen ay hindi nakuntento sa paghiram ng sipilyo, nakuha pang mambasa ng tuwalya gayung pinahiram mo na nga ng shampoo at inofferan ng brief ang babae sa dilim.

Natapos ang gabi sa nakakaantok na kantahan sa videoke. Kanya-kanyang pwesto na. Mga kumot at una’y naburaot na. Pagpatay ng ilaw, ang mga lamok ay nag-fiesta na. Nagising pa at nagulantang ang lahat ng biglang bumusina ng tuloy-tuloy ang aming sasakyan. Si uncle, sa sobrang sarap ng tulog, napatungan ng paa ang manubela ng sasakyan.

Pagdating ng umaga ay ginising ako ng torotot na pisil-pisil ng maglalako ng pandesal sa may baybayin ng dagat. Sakay siya ng mountain bike na walang gear shifters. Sa likod ng bike ay nakasabit ang isang malaking basket na yari sa yantok. Dito nakaimbak ang tumpok ng mainit na pandesal. Mayroong tatlumpiso at mayroong apat na piso. Hindi ko naman nakita ang deperensya, na ayon sa maglalako nito ay mas malaki daw yung tig-aapat na piso. Binili ko na lamang yung tig-aapat na piso dahil napaniwala nya rin akong mas malaki nga ito ng bahagya.

Pagbalik sa kubo ay sinaluhan ako ni Uncle at binigyan pa ng kape na hindi ko talaga alam kung saan nya nakuha. Nagising na rin ang iba at nag-almusal ng hanging amihan. Habang nag-iisip kung magsisipilyo ng hiram na tootbrush ang buraot queen ay tumakbo sa swimming beach si Uncle dahil hindi nya raw ito na-enjoy kagabi. Okay na! set na ang lahat. Tapos nang mag tampisaw si Uncle at handa ng pumunta sa susunod na lokasyon ang barkada.

Next stop? Manaoag-to-Antong-Falls! Day 2 Expedition…