Ads 468x60px

10/06/2012

Spolarium - Eraserheads

May nabasa ako kani-kanina lang sa news feed ng Facebook ko tungkol sa kantang ito. Matagal ko ng gusto at isa sa mga paboritong obra ng Eraserheads and Spolarium, pero ngayon lang nabuksan ang isip ko sa mga lirikong binibigkas ko sa tuwing sasabayan ko ang nasabing kanta. Habang binabaybay ko ang bawat salita, talata, pangungusap at ang mensahe nito ay tumitindig ang mga balahibo ko at wari bang may naririnig na sigaw mula sa aking kalooban. Habang kinakanta ko ito kahit sa isip lang or pinapakinggan ko ito ay unti-unting nabubuo sa aking isipan ang larawan na binibigkas ng may akda.

Nakakalungkot na may ganitong mga pangyayari. Nakakalungkot din na sa tinagal-tagal na nitong nakabaon ay naglalabasan pa ito ngayon - na parang nananadya.

Hindi ko masabing fan ako ng TVJ pero natutuwa ako at nakahiligan ko ng pakinggan ang mga comedic albums nila simula ng ipakilala ito sa akin ng mga kapatid, pinsan, at tiyuhin ko. Mas nakasanayan ko ng mapanuod sa telebisyon ang dalawa sa tatlong premyadong kumedyante ng Dekada Ochenta, sina Vic at Joey. Aaminin ko na hindi ko masyadong gusto si Tito Sotto.

Sa kabila nito, ngayon ko lang napag-alaman ang dati at matagal na palang kaso na kanilang kinasangkutan. Ito ay ang rape case ni Pepsi Paloma. Nalaman ko ito ng may mabasa akong post sa Facebook sa kung anong tunay na mensahe ng kantang Spolarium ng Eraserheads. Isa akong batang 90's at Eraserheads ang naging institusyon ng bandang Pinoy, para sa akin, noong kabataan ko. Kaya naman naging interesado ako sa kwentong ito nung una ko itong mabasa.

Ang sabi sa mga pahayag ay may nakatago daw na mensahe ang kantang ito na nagkekwento kung ano ang naganap sa kasong ipinaglalaban noon ni Pepsi Paloma. Pero kung tutuusin, habang pinapakinggan ko ang kanta sa loob ng aking isipan ay parang napaka-straightforward nito. Literal nitong inilalahad kung ano ang mga kaganapan noong panahong iyon, ayon sa aking mga nabasa at nasaliksik.

Ayon sa aking mga nabasa ay tungkol ang Spolarium ng Eraserheads kay Pepsi Paloma na bago ang tangka o naganap na panggagahasa ay nagkaroon muna ng inuman. Waring nilasing ng tatlong sangkot na sikat na sina Vic, Joey, at Richie ang modelo o aktres na si Pepsi hanggang sa mawalan ito ng malay at hindi na makapanlaban. Saka naman siya hinalay at pinag samantalahan ng tatlong akusado. Hindi na napatunayan o natuloy matapos ang naisampang kaso ng mabalitaang isang araw ay nakitang nakabikti si Pepsi Paloma sa tangkang pagpapakamatay.

Kung babaybayin ko ngayon ang lyrics ng kantang Spolarium ay parang hindi na nga kailangan pang ipaliwanag ang mensahe nito na kahit sino ay kayang idetalye ang mga pangyayari. Nagmistulang boses ng yumaong si Pepsi Paloma (na sinasabing biktima ng panggagahasa) ang mismong awitin na nilikha ng aking idolo na si Ely. Para itong nagsilbing testigo na hindi na maaaring mabura o mamatay sa isipan ng mga taong nakarinig na nito.

Susubukan kong ipaliwanag ang bawat linya ng kantang ito ayon sa aking pagkakaunawa ukol sa nasabing insidente.

Dumidilim ang paligid - (siguro gabi na o nasa madalim na lugar o di kaya naman ay medyo nakainom na at hindi na malinaw ang paningin)May tumawag sa pangalan ko - (biglang tinawag ang kanyang pangalan)Labing isang palapag - (sa isang gusaling may labing isang palapag o nasa ikalabing isang palapag sila ng gusali ng mga panahong iyon)Tinanong kung okey lang ako - (nung pagkatawag sa pangalan nya ay tinatanong pa sya kung okay lang ba sya, isang normal na tanong sa inuman na tatanungin ka kung "okay ka pa ba?")Sabay abot ng baso - (sabay inabot ang baso ng alak - karaniwan, okay ka man o hindi eh dadaan at dadaan sayo ang baso ng alak kahit di mo na kaya)May naghihintay - (sasabihin pang may naghihintay sa ikot ng baso)At bakit ba'pag nagsawa na akoBigla na lang ayoko na - (may mga oras na pag sobrang wasak at basag ka na sa inuman, alam mong ayaw mo na)
At ngayon Di pa rin alamKung bat' tayo nandito - (mapapaisip ka bigla kung bakit ka ba nandun sa lugar at sitwasyon na yun)Puwede bang itigil munaAng pag-ikot ng mundo - (habang lasing at bangag na bangag ka sa tindi ng tama ng alak ay umiikot ang mundo mo at nananalangin ka na sana ay huminto ito)
Lumiwanag ang buwan - (mukhang malalim na ang gabi)San Juan - (waring naganap ito sa bayan ng San Juan)Di ko na nasasakyan Ang lahat ng bagay ay Gumuguhit na lang Sa 'king lalamunan - (kapag sobrang lasing ka na, madalas ay di ka na makasakay sa mga pinag uusapan o sa mga mismong nagaganap. Tanging ang pagguhit na lamang ng alak na mainit na dumadaloy sa iyong lalamunan ang iyong nararamdaman)
Ewan mo at ewan natinSinong may pakana?- (sino nga ba?)[ From: http://www.metrolyrics.com/spolarium-lyrics-eraserheads.html ]At bakit ba Tumilapon angGintong alak diyan sa paligid mo? - (waring natapik ang isang bote ng alak at natapon ito sa sahig sa sobrang kalasingan)
At ngayon Di pa rin alamKung ba't tayo nandito - (habang naiisip mo at di maalala kung bakit ka nga ba nandoon)Puwede bang itigil munaAng pag-ikot ng mundo - (masyado ng mabilis ang mga pangyayari pwede bang itigil muna kahit isang saglit lang, makapag isip man lang, masyado ng masakit ang ulo na parang sasabog, umiikot ang paningin, wala ng naiintindihan, maaaring may masama ng nagaganap ngunit di mapaghusay ang isip at ang tanging magagawa ay umiyak na lamang)
Umiyak ang umaga (hmm) - (maaaring literal na umiyak o umulan kinaumagahan)Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan - (maaaring literal o matalinhagang paglalarawan ng kaganapan matapos lumipas ang magdamag... literal bang may sinulat si Enteng at Joey sa isang gintong salamin?)Sa gintong salamin Di ko na mabasaPagkat merong nagbura - (o isa ba itong pagpapahayag ng buong pangyayare ng mga sandaling iyon ngunit unti-unting binubura ang lahat ng bakas at ebidensya o hindi na nya maalala ang mga eksaktong naganap dala ng kalasingan)
Ewan mo at ewan natinSinong nagpakana?- (nandoroon pa rin ang iyong pag-aagam-agam)At bakit ba tumilapon ang spolariumDiyan sa paligid mo? - (at ang tanging bakas na lamang na naiwan ay ang natapong beer sa iyong kinalalagyan)
At ngayon Di pa rin alamKung ba't tayo nandito - (hanggang pag-gising mo ay hindi mo alam kung anong ngyare at kung anong ginagawa o ginawa mo)Puwede bang itigil munaAng pag-ikot ng mundo - (masakit pa rin ang ulo at nagsusumamong sana'y huminto na ito)
(maaari ring gulong-gulo na ang utak ng biktima.. kung isa akong babae at nabiktima ako ng gang rape, hanggang sa pag sasampa siguro ng kaso at habang nililitis ito ay umiikot pa rin paningin ko sa mundo na para bang masusuka ako at hihilingin ko ang pag hinto nito)

Read more: ERASERHEADS - SPOLARIUM LYRICS 



Ito ang painting ng Spoliarium ni Juan Luna. Kung ito ang gagamitin kong basehan ng paglalarawan sa binabanggit na naganap sa kanta na ginawa ng Eraserheads na Spoliarium ay kikilabutan ako sa mga binubuo ng aking imahinasyon.
Photo Credits to Wikipedia

Nakakalungkot lang na dahil sa tagal na nitong nangyari ay nagmimistula ito ngayong paninira na lamang sa ngayon ay mga institusyon na ng industriya ng pelikula, pagkanta, pagpapatawa, at ngayon ay marami ng natutulungang kapwa. Saludo ako sa mga napagtagumpayan na ng mabuti ng mga taong nabanggit. Kay na Joey, Vic, at ganon din at lalong-lalo na sa tanyag na nakamit ni Ely Buendia at ng dati niyang banda na Eraserheads.

Ngunit ganoon na nga ba katagal ang 1982? Dapat na nga bang talikuran ang nakaraan at tumulak na lamang sa kasalukuyan patungong hinaharap? May katotohanan ba na ang awiting ito ay ginawa para tukuyin ang mga naganap at tukuyin ang mga mismong salarin sa kasong ito? Kakantahin na lang ba natin sa tuwi-tuwina ang Spolarium ng walang bahala?

Para sa akin, ngayon ay tumatak na ang tunay na kulay ng awiting ito at sa tuwing kakantahin ko ito ay makakaramdam ako ng pagkalungkot, kilabot, at marami pang hindi maipaliwanag na saloobin. Lalo akong humanga kay Ely Buendia sa mga ganitong paraan ng paglikha ng kanta - isang tunay na obra.


No comments:

Post a Comment